Miyerkules, Hunyo 20, 2012

Unang Pagsusulit

Ito ang aming unang pagsusulit sa asignaturang Filipino. Ito ay patungkol sa  aming  pinagaralan na akda. Ang  aking nakuhang grado ay 85.

Iba't-ibang Uri ng Pagibig

Ito rin ang aming pangalawang takdang aralin sa asignaturang  Filipino. Ang  mga larawan na ito'y nagpapakita ng iba't-ibang uri ng pagibig kung saan makikita rin sa akdang 'Ang Pagibig ni Emilio Jacinto'. Pagibig sa pananampalataya sa Diyos,  pagibig ng tao sa kanyang alagang hayop,  pagibig ng mga bayani sa bayan,  pagibig ng tao sa kanyang kapwa,  at pagibig ng magulang sa kanyang anak. Ang aking nakuhang grado ay 85.

Ang Pagibig ni Emilio Jacinto

Ito ang aming pangalawang takdang aralin sa asignaturang Filipino. Ang sipi ng akdang  'Ang Pagibig ni Emilio Jacinto'. Tinatalakay sa akdang ito ang iba't-ibang uri ng pagibig tulad ng pagibig ng anak sa magulang, pagibig ng magulang sa anak, pagibig sa pananampalataya, pagibig sa kapwa, pagibig sa sarili, pagibig sa kaibigan,pagibig sa kapatid, pagibig sa bayan, pagibig sa kaaway at pagibig ng kasakiman o kunwaring pagibig. Ipinapakita sa akdang ito kung ganu makapangyarihan ang pagibig at pagkakaisa. Maraming nagagawa ang pagibig katulad ng di mapaliwanag na kasiyahan. Ang iba naman nang dahil sa pagibig kaya pa nila minamahal ang kanilang sariling buhay. 

Lunes, Hunyo 11, 2012

Usapan tungkol sa pagkakaroon ng bagong gamit

Ito ang aming pangalawang takdang aralin sa asignaturang Filipino. Kung  saan kelangan naming bumuo ng  salitaan o dayalogo na gamit lamang ang wikang Filipino. Ang paksa ng usapan ay tungkol sa pagkakaroon ng bagong kagamitan. Ang pinagusapan sa aking ginawa ay tungkol sa pagkakaroon ko ng portamoneda o pocketbook na bigay ng aking ama at ito'y aking ikinuwento sa aking ina kung saan itinanong nya kung saan ito nabili ni itay at ang halaga ng bawat isa. Pagkatapos ay ipinasa namin ito sa aming guro na si Gng. Mixto at ang aking nakuhang grado ay 80.


Sa aking mga Kababata

Ito ang aming unang takdang aralin namin sa asignaturang Filipino.  Ang tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal  na ang pamagat ay Sa aking mga Kababata. Tinalakay namin ang tema ng tula, pagkatapos ay nagkaroon kami ng pangkatan kung saan inalam namin ang sukat, tugmaan at ang kahulugan ng bawat saknong. ng tula.Pagkatapos ay ipinasa namin ito sa aming guro upang malagyan ng marka at ang aking nakuhang marka ay 85.