Ito ang akdang pinamagatang Kwento ni Mabuti mula sa panulat ni Genoveva Edroza Matute. Ito ay patungkol sa isang estudyante na nagngangalang Fe kung saan inilarawaan nya ang kanilang guro.
Ito ang aking ginawang akrostik mula sa tema ng akdang Luha ng Buwaya at Ibong Mandaragit. Ang aking ginawa ay "Pagiging sakim ay walang mabuting idudulot, Sapagkat turing sa'yo ng bayan ay isang salot". Ang nakuha kong grado ay 83.
Ito ang aking ginawang akrostik mula sa salitang pagibig. Bawat letra ay binigyan ko ng mga salita na maaring bubuo ng isang mensahe.Aking nagawang mensahe ay Pagmamahal ko'y walang hanggan Ang hanap ay ikaw lamang Gabi at araw ika'y nasa isip, Ikaw ay hulog ng langit Binago mo ang aking buhay Ikinagagalak kang nakilala Guguho aking mundo, kung ika'y lilisan. Ang nakuha konh grado ay 85.
Ito ang akdang Ibong Mandaragit mula sa panulat ni Amado V. Hernandez. Ito ay may hawig sa akdang Luha ng Buwaya. Ito ay patungkol sa isang lalaking naghiganti sapagkat inalila siya noong siya ay mahirap pa.
Ito ang aming pangatlong takdang aralin sa asignaturang Filipino. Ito ay patungkol sa iba't-ibang Kombensyon ng Dula. Nalaman ko ang mga tawag sa ginagawa o dayalogo ng bawat karakter sa akdang Moses Moses.