Sabado, Setyembre 22, 2012

Ikaw Na Nga

Ikaw Na Nga ang aking tulang ginawa na may temang tungkol sa pagibig. Ang tulang aking ginawa ay may salitang ginamit tungkol sa kagandahan ng kapaligiran at kalikasan. Sa pamamagitan nito ay napapahayag ko ang emosyong aking nadarama. 

Kanlungan

Ito ang awiting kanlungan ni Noel Kabangon. Ito ay napakagandang awitin para saakin sapagkat may halong kalungkutan ang aking nadarama sa tuwing ito ay aking pinapakinggan.Mapapansin ditto sa awiting ito na punong puno ito ng salitang may kaugnayan sa kalikasan at kapaligiran hindi tuwirang sinasambit ang tunay na nararamdaman dahil ang kapaligiran o kalikasan na mismo ang nagpapahayag kung ano  ang emosyong nais iparating at ang kanlungan  ay katulad din ng tulang Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos.

Bisang Pangkaisipan at Pandamdamin

Ang bisang Pangkaisipan na nagbago sa akin matapos naming talakayin ang sa tabi ng dagat ay ginagamit ang kagandahan ng kapaligiran at kalikasan upang mas maging masining ang tula at mas maging romantiko. Sng nagbago sa aking pandamdamin ay kasiyahan para sa magirog sapagakat Masaya silang nagsasama at may halong kalungkutan sapagkat alam nila na ang lahat ng bagay ay may hangganan at katapusan katulad ng puso at ang kanilang nararamdan para sa isa’t-isa.

Sa Tabi ng Dagat

Sa Tabi ng Dagat  ni Ildefonso Santos ang pangapat na akdang aming tinalakay. Ito ay patungkol sa magirog na magkasama sa tabi ng dagat at ito ay may teoryang romantisismo sapagkat ang tulang ito ay may salitang kaugnay sa kapaligiran at kalikasan.

Bisang Pangkaisipan at Pandamdamin

Ito ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa Dikada Sitenta. Ang nagbago sa aking isipan pagkatapos naming itong matalakay ay mahalaga talaga ang pagkakaroon ng pamilya sapagkat lagi silang nariyan para sayo at makikinig sa lahat sa lahat ng iyong problema.Ang nagbago naman saking damdamin ay malungkot sapagakat hindi man lang nakamit ni Jules ang katarungang kanyang ninanais para sa kanyang itinuturing na kapatid na si Wily.

Ang Aking Pinagmulan

Ito ay isang sanaysay na aking ginawa. Ang pamagat nito ay Ang Aking Pinagmulan. Ang sanaysay na ito ay patungkol sa aking pinakamamahal na ina sapagkat sa kanya ako nagmula siya ang nagaruga, nagalaga,umiintindi,nagmamahal sakin, siya rin ang gumagawa ng gawaing bahay na kahit siya ay pagod ay di pa rin niya nakakalimutang maglambing saakin. Siya ang nagsisilbing ilaw n gaming tahanan at siya ang may dahilan kung bakit ako lumaking may pusong mammon at maawain sa kapwa ko. Lubos ang aking pasasalamat sa kanya at di matutumbasan ng anumang bagay sa mundo ang kanyang ginawa para sakin. Siya ay walang kapantay at nagiisa para sa akin.

Gwain

Ang gawaing ito ay meroon mga salita kung saan ang aming ginawa ay aming tutukuyin kung ano ang salitang ugat, kung ito ay may lapi, tambalan o inuulit-ulit at kung ito ay salitang lalawiganin o salitang banyaga.

Gawain

Ito an gaming Gawain kung saan itatama naming ang mga salitang maikli o pinaiklina nakapaloob sa akda. Gagawin naming itong tama at pahahabain.

Dekada Sitenta

Ang Dekada Sitenta ni Lualhati Bautista ay ang ikatlong akdang aming tinalakay. Ito ay patungkol sa mga kaganapang  nangyari nuong panahon ng Martial Law na ipinatupad ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos. Ang nilalaman ng akda ay tungkol sa isang maganak na nabuhay nuong martial law kung saan si  Amanda ang ina at si Jules ang kanyang anak. Ang kaganapang nangyari ditto ay tungkol sa mga rally, aktibista, at pagsalungat ng maraming kabataan sa pangulo. Ang aking natutunan sa akdang ito ay kung paano ipaglaban ang karapatan ng isang mamayan at pagmamahal sa sariling bayan.

Biyernes, Setyembre 21, 2012

Kahapon Ngayon at Bukas

Ang kahapon Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay patungkol sa isang kahapong masayang pagsasamahan na agad din naming nagtapos at nawala.

Butihing Ama

Ang aking ginawang tula ay patungkol sa aking butihing ama at aming inihambing ito sa ama sa tulang Ang Guryon. Nagbigay inspirasyon ang ama sa tula sapagkat ang aking ama ay lagging punong puno ng payong ibinabahagi sa amin. Siya ay laging nakagabay  sa amin at di nakakalimutang kami ay pagsabihan. Kung kaya’t ako ay lumaking marangal at malawak ang pagintindi sa tunay na buhay.Lubos ang aking pasasalamat sa aking ama dahil sa kanyang walang labis na pagmamahal na sa amin lagging ipinagkakaloob.

Reaksyon Sa Tulang Ang Guryon

Ito ang aking naging reaksyong sa tulang Ang Guryon. Nung una kong itong nabasa ay naisip kong ito ay patungkol lamang sa laruang ang guryon sapagakat iyon ang unang aking nagging reaksyon sa pamagat ng tula. Habang tinatalakay naming ito at nagkaroon ng pangkatan tungkol sa nais ipahiwatig ng bawat saknong ay nagbago ang aking nagging reaksyon sa tula. Mas lumalim ang aking pagkakaintindi tungkol dito sapagkat ang guryon pala ay hindi lamang isang laruan bagkus ito ay sumisimbolo sa buhay ng isang tao at sa mga hinaharap o pinagdadaanang problema kung saan kailangang lagging magpakatatag.

Larawang Sumisimbolo Sa Aking Pagkatao

Ang larawang ito ang nagpapakita o sumisimbolo sa aking pagkatao kung sino ako. Ito ay sumisimbolo bilang aking laging palangiti at pagiging masiyahing tao kahit na sa aking buhay ngayon ay maraming problemang hinaharap. Marami mang problemang kayilangang harapin pananatilihin ko pa rin ang aking sarili bilang masiyahin sapagkat dahil ditto nababawasan at nakakalimutan ko pansamatala ang aking pinoproblema.

Iba't-Ibang Teoryang Pampanitikan


Ito ang iba’t-ibang teoryang pampanitikan kung saan lahat ng ito ay aming pagaaralan at ibabatay ang mga teorya ito sa aming mga susunod na pagaaralang  I ba’t-iba pang akda.

Ang Guryon

Sa pagsisimula ng Ikalawang markahan Ang Guryon ni Ildefonso Santos ang aming unang tinalakay. Ito ay patungkol sa isang ama na ipinagkaloob ang isang guryon sa kanyang anak. Ang guryon ay hindi lamang isang laruan bagkus ito ay sumisimbolo sa buhay ng tao. Bawat buhay na dinadanas ay maiuugnay sa paglipad ng isang guryon na kung saan ang buhay ay marupok, maraming problemang hinaharap na kailangang paghandaan at kinakailangang maging matatag. 

Panimula ng Ikalawang Markahan