Sabado, Marso 16, 2013

Himala ni Ricardo Lee


Ang Himala ni Ricardo Lee ay tungkol kay Elsa na pinaniniwalaan sa palabas na nakita ang bireng Maria ngunit dahil sa may pinagdaan ito at may sakit sa iba ay sinasabing siya ay nagsisinungaling. Tumatak sa palabas na ito ang kasabihang “walang himala nasa puso ng tao , nasa puso nating lahat”

Himala

Ang awiting Himala mula sa Rivermaya ay kaugnay sa aming tinalakay na palan=bas Ang Himala ni  Ricardo Lee.


Gawain

Ang Gawain na ito ay may kaugnayan sa aming tatalakayin na kung paano gumawa ng isang movie rebiew dahil nga aming proyekto sa Filipino ay isang short film na kinakailangan naming gawan ng isang movie rebiew.


Imahe ng Bagong Pilipina

Ang pamagat ng aking salaysay ay Imahe ng Bagong Pilipina. Pamagat pa lang ay tungkol na sa mga pilipina sa bagong henerasyon. Mababasa rito ang pinagkaiba ng babae sa noon at ngayon. Mababasa rin rito kung paano nagtransporma ang dating mga nilalapastangang mga pilipina sa isang palaban at matatag na babae. 


Pagtitiis at Kahirapan sa Likod ng Tagumpay

Ito ay patungkol sa kwento ng aking pinsan na nagtiis sa hirap na dinanas ngunit nagpakatatag sa hamon ng buhay. Alam naman natin na ang responsibilad ng ating magulang ay tayo ay pakainin, alagaan at kung maari ibigay sa atin ang  lahat ng ating pangangailan sa araw-araw kasama na rito ang pagaaruga at pagmamalasakit ng isang ina. Ngunit lahat ng ito ay kabaligtaran sa nagyari sa aking pinsa. Aam ko di mawawala ang galit na nabuo sa kanyang puso sa kanyang ina at sa aking pananaw ay meroon siyang karapatang magalit ngunit mas masarap sa pakiramdam kung ikaw ay walang kagalit at mas Masaya mabuhay kung ang lahat ng nagkasala sa iyo ay kayang mong patawarin at magsimula muli ng panibago.


Kalayaang Hinahangad

Sa salaysay na ito ay dito ko nilahad ang aking nais sabihin o iparating sa ating pangulo tungkol sa mga kaguluhang nagaganap sa ating bansa partikular  sa Mindanao kung saan ang gulo ay walang patid. Masama ang epekto nito sa mga taong naninirahan malapit sa gulo at dahil na rin sa tensyong dala nito. Mas nais natin ang kaligtasan ng bawat isa at itoy makakamtan sa maayos na pakikipagusap at pagtutulungan. Ang gawaing ito ay konektado sa akdang Bangkang Papel na maing pinagralan.


Bangkang Papel

Ang Bangkang Papel ay tungkol sa isang batang lalaki na di nasubukang magpaagos ng bangkang papel sa tubig dahil sa napatay ang kanyang ama. Namulat ako sa mga epektong dulot ng mga nangyayari sa kapaligiran sa mga taong nakatira rito. Kung ang ating bansa ay masalimuot at magulo marahil wala ng magnanais pang tumira rito dahil lahat ng tao gustong mamuhay ng payapa at tahimik. Nakakapekto ng lubos ang mga gulong nakikita ng isang bata sa kanya maari itong magdulot a kanya ng trauma at nerbyos sa tuwing makakarinig ng putok at kung anu pa man.