Ito ay patungkol sa kwento ng aking pinsan na nagtiis sa
hirap na dinanas ngunit nagpakatatag sa hamon ng buhay. Alam naman natin na ang
responsibilad ng ating magulang ay tayo ay pakainin, alagaan at kung maari
ibigay sa atin ang lahat ng ating pangangailan
sa araw-araw kasama na rito ang pagaaruga at pagmamalasakit ng isang ina.
Ngunit lahat ng ito ay kabaligtaran sa nagyari sa aking pinsa. Aam ko di
mawawala ang galit na nabuo sa kanyang puso sa kanyang ina at sa aking pananaw
ay meroon siyang karapatang magalit ngunit mas masarap sa pakiramdam kung ikaw
ay walang kagalit at mas Masaya mabuhay kung ang lahat ng nagkasala sa iyo ay
kayang mong patawarin at magsimula muli ng panibago.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento