Ito ang aming huling tinalakay sa pagtatapos ng Ikalawang Markahan ang Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal at inilathala noong 1887, sa Europa.Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento