Sabado, Marso 16, 2013

Himala ni Ricardo Lee


Ang Himala ni Ricardo Lee ay tungkol kay Elsa na pinaniniwalaan sa palabas na nakita ang bireng Maria ngunit dahil sa may pinagdaan ito at may sakit sa iba ay sinasabing siya ay nagsisinungaling. Tumatak sa palabas na ito ang kasabihang “walang himala nasa puso ng tao , nasa puso nating lahat”

Himala

Ang awiting Himala mula sa Rivermaya ay kaugnay sa aming tinalakay na palan=bas Ang Himala ni  Ricardo Lee.


Gawain

Ang Gawain na ito ay may kaugnayan sa aming tatalakayin na kung paano gumawa ng isang movie rebiew dahil nga aming proyekto sa Filipino ay isang short film na kinakailangan naming gawan ng isang movie rebiew.


Imahe ng Bagong Pilipina

Ang pamagat ng aking salaysay ay Imahe ng Bagong Pilipina. Pamagat pa lang ay tungkol na sa mga pilipina sa bagong henerasyon. Mababasa rito ang pinagkaiba ng babae sa noon at ngayon. Mababasa rin rito kung paano nagtransporma ang dating mga nilalapastangang mga pilipina sa isang palaban at matatag na babae. 


Pagtitiis at Kahirapan sa Likod ng Tagumpay

Ito ay patungkol sa kwento ng aking pinsan na nagtiis sa hirap na dinanas ngunit nagpakatatag sa hamon ng buhay. Alam naman natin na ang responsibilad ng ating magulang ay tayo ay pakainin, alagaan at kung maari ibigay sa atin ang  lahat ng ating pangangailan sa araw-araw kasama na rito ang pagaaruga at pagmamalasakit ng isang ina. Ngunit lahat ng ito ay kabaligtaran sa nagyari sa aking pinsa. Aam ko di mawawala ang galit na nabuo sa kanyang puso sa kanyang ina at sa aking pananaw ay meroon siyang karapatang magalit ngunit mas masarap sa pakiramdam kung ikaw ay walang kagalit at mas Masaya mabuhay kung ang lahat ng nagkasala sa iyo ay kayang mong patawarin at magsimula muli ng panibago.


Kalayaang Hinahangad

Sa salaysay na ito ay dito ko nilahad ang aking nais sabihin o iparating sa ating pangulo tungkol sa mga kaguluhang nagaganap sa ating bansa partikular  sa Mindanao kung saan ang gulo ay walang patid. Masama ang epekto nito sa mga taong naninirahan malapit sa gulo at dahil na rin sa tensyong dala nito. Mas nais natin ang kaligtasan ng bawat isa at itoy makakamtan sa maayos na pakikipagusap at pagtutulungan. Ang gawaing ito ay konektado sa akdang Bangkang Papel na maing pinagralan.


Bangkang Papel

Ang Bangkang Papel ay tungkol sa isang batang lalaki na di nasubukang magpaagos ng bangkang papel sa tubig dahil sa napatay ang kanyang ama. Namulat ako sa mga epektong dulot ng mga nangyayari sa kapaligiran sa mga taong nakatira rito. Kung ang ating bansa ay masalimuot at magulo marahil wala ng magnanais pang tumira rito dahil lahat ng tao gustong mamuhay ng payapa at tahimik. Nakakapekto ng lubos ang mga gulong nakikita ng isang bata sa kanya maari itong magdulot a kanya ng trauma at nerbyos sa tuwing makakarinig ng putok at kung anu pa man.


Tips

Ang asignatura na ito ay nakasaad ang mga dapat isaalang-alang sa pagkuha ng kurso dahil ang pagpili nito ay dapat pinagiisipan ng husto at di agad-agad. Maraming masasayang kung maling kurso ang mapipili na taliwas naman sa abilidad at talento.


Biyernes, Marso 15, 2013

Mga Kursong Nais

Ito rin ay aming takdang aralin , isusulat naming ang mga nais naming kurso baling araw. Medyo wala pa talaga akong ideya sa aking kukuning kurso buti nga yun iba kong mga kaklase ay alam na nila ang nais nila samantalang ako ito wala pa ring maisip. Ayyss siguro may tamang raw at panahon diyan.


Positibo at Negatibong Paguugali

Ito ang aming takdang aralin ito ay may koneksyon sa aming tinalakay na Ang Pamana. Isinaad ko rito ang  mga positibo at negatibong paguugali meroon ang aking mhala na ina. 


Ang Pamana

Ang Pamana ni Jose Corazon De Jesus ay patungkol sa isang ina na dala ng katandaan ay inahahabilin na mga pamana nya sa kanyang mga anak. Ang aking natutunan sa tulang ito ay napakahalaga na magkaroon ng isang mapagmahal na ina ito ay isang kayaman na walang katumbas. Ang kanilang pagmamahal sa atin ay walang kupas at walang hanggan ang problema nga lang di natin ito pinapansin at pinapahalagahan. Natutunan ko rin na habang may oras pa ay kailangan kong maparamdam sa aking ina kung gaano ko siya kamahal at kaimportante dahil alam kong di ko na mababalik ang oras na aking sinayang. 


Hayahay na Naman !


Dear Diary,
                Yun Ohh ! last day na ng exam ngayon hayahay na naman ang 3-1 feeling nga naming bakasyon na sa lunes pero bawal pa muna kelangan pa kasing pumasok! Medyo nakakatamad na kasi alam ko wala na kaming gagawain nyan pero ok na rin dagdag baon rin yan oh diba ? medyo nakakalungkot na nga ehh ! bakasyon na at ang malupit nun 4th year na kami sa susunod na pasukan kabado na naman ako nyan panu ba naman bagong guro, bagong katabi at bagong pagsubok sa aming lahat. Masang natapos ang araw naming ngayon kasi nagkaroon ng maikling program para parangalan ang mga gumanap sa aming proyekto sa Filipino at ang nakakatuwa isa ako dun ! J paguwi ko nga ng bahay ay tuwang-tuwa sa akin ang aking mama napawi daw lahat ng pagod nya ng dahil lang sa isang medalyang aking natangga. Mas agresibo tuloy akong makatanggap ng  mga medalya kasi ang sarap sa pakiramdam na may napapasaya akong tao dahil lang dun. Kaya ito ang aking premyo ay nag-computer ako ng matagal na oras hahha ! =;) 

Huwebes, Marso 14, 2013

TIWALA LANG ! Makakapasa AKOoo !


Dear Diary,
                Unang araw ng pagsusulit kamusta kaya mga sagot ko dun ?!  wahahh sana naman magbunga ang pagpupuyat ko sana naman makapasa ako at sana naman mataas makuha ko dun! Eto pagkauwi tamang update lang muna sa aking blog pagkatapos ay pahinga mode saglit at aral ulit last day na bukas ng pagsusulit at medyo mahirap ang asignatura para bukas lalo na ang MATH ! ohh my God ! pero sabi nga nila TIWALA LANG ! kaya yun tiwala lang sa pagkakbisa ng mga formulas (sana matandaan ko pa !) =’))

Miyerkules, Marso 13, 2013

Ramdam na ang Pagpapaalam !


Dear Diary,         
                Grabe ang mga eksena kanina sa klasrum ! halos nagpapaalam na saamin ang iba naming guro nakakalungkot isipin pero ganun talaga may mga bagay talagang kelangang matapos para makapagsimula ng panibago! Lalo na si Gng. Mixto ! inisa-isa talaga nya kami haha grabe ang sabi nya sakin pero totoo naman talaga =’)) masaya talaga ako na naging guro ko silang ngayong ikatlong taon
! Pagkahapon naman interview ko kay Bb. Tayamora kabado much talaga ! full English pa mga sagot ko haha pwede naman pa lang magtagalog pero ok na yun para matutuo rin ako ! Medyo ok naman ang mga sagot ko (I wish) sana tugma lahat sa tinatanong nya. Hapon na kami nakauwi kaya pagkauwi ko pahinga unti at ratrat na naman sa paggawa ng TLE at aral mode NA NAMAN !! nang matapos naman ako pahinga naman ang inatupag ng mata ko !

Martes, Marso 12, 2013

Ayoko na TALAGA !


Dear Diary,
                Ayyss grabeng pasakit tong TLE ! ngayon naman ang aming Gawain ay kelangan meroon kaming larawan at gagawan namin ito ng sariling frame ! nakakapagod rin palang magisip kung anung kolerete ang ilalagay mo ! kaya yun gabi na naman natapos ang Gawain pagod na pagod na ako pero kelangang manatiling gising ! kelangan pa kasing mag-aral halos kakaunti pa kang ang nababasa ko eh may pito pang asignatura ayys grabe na itey !! @.@ nang matapos na akong magaral ay ayun sa wakas si mama na mismi ang nagsabi na “matulog ka na anak ! baliw ka ba ?! anung oras na oh ? paniki ka na pala ngayon ?! “ kaya yun GOODNIGHT ! =’))

Lunes, Marso 11, 2013

Hala lalala Exam na naman !


Dear Diary,
                Pagkagising ko ay dali dali kong ginawa an gaming takdang aralin sa TLE kelangan kasing gumuhit ng kahit anong larawan anong oras na nga ako natapos hahaha bagal much kasing kumilos. Pagkatapos ko naman gumuhit ay nagaral ako kagad panu ba naman counted na ! ilang araw na lang exam na naman !! ayss kabado na naman ang PEG ! kahit hating gabi na go pa rin kasi huling pagsusulit kaya kelangang ulit muli sa umpisa. Nung napagod na ako ayon tulog naman ang inatupag !

Linggo, Marso 10, 2013

Linggo Again!


Dear Diary,
                Linggo na naman ! ayss katamad much naman this day ! >.< kaya yun puro higa, kaen at tulog lang ginawa ko ngayong araw ! Sabi nga ni papa sakin para daw akong kalabaw na buntis gusto lang lagging nakahiga. Ganun talaga pagod much kasi netong mga nakaraan kaya bawi lang ngayon !

Sabado, Marso 9, 2013

Sa Wakas !


Dear Diary,
                Maaga ako nagising ngayon dahil pupunta ako kela Robles dahil kelangan naming tapusin ang pag-paint dun sa canvas ! hapon na ako naka-uwi at pagkauwi ko naman ay medyo inayos ko ng onti ang aming proyekto ulit wala na akong masyadong ginawa ngayong araw ! =’))

Biyernes, Marso 8, 2013

NAKAKAASAR !!


Dear Diary,
                Ayys ! paktay kami nito ngayon kay Sr. Espina panu ba naman wala kaming frame kaya yun ang parusa samin ay kelangan may mapakita kaming frame ngayon sa kanya mamaya. Halos mamatay-matay na ako sa paglakad papunta sa bahay nila Molina ang layo kasi at pataas pa ang daan ! Buti na lang may naipakita kaming frame kay Sr. Espina at yun nakahinga na rin ng maluwag ! paguwi ko natulog at nagpahinga na din ako sa wakas ang sakit kasi sobra ng aking mga paa ! ang haba nga tulog ko ehh ! among oras na din ako nagising ! =’))

Huwebes, Marso 7, 2013

Kaasar naka-miyembro !


Dear Diary ,
                Palpak na SIP ! nakakainis naman si Flaviano pano ba naman sabi nya gagawa kami ng SIP ngayon kaya nga buong maghapon lang kaming nakatambay kela Funcion kasi sabi  nya susunod na lang daw sya sa amin ! kaya yun umuwi na lang kami alam ko namang ang uwi ay ako na naman ang gagawa nito magisa ayys nakakasawa na ! ako na lang ang lagging nangunguna sa paggawa n gaming SIP edi sana nagsolo na lang pala ako sa project ganun din pala ang labas !!  Sa awa naman ng Diyos ay natapos ko ito at agad agad kong pinagpatuloy ang proyekto naming sa English halos napagod na ang aking mga kamay mismo ang utak ko na ang naguudyat na matulog na ako pero di ako nagpapigil kaya 1:30 am na ako natulog ! puyat na puyat na ako grabe pero ok lang kasi tapos ko na din siya sa wakas ! =’))

Miyerkules, Marso 6, 2013

Yun Ohh !


Dear Diary,
                Yes sa wakas nafinal ko na ang aking mga idea sa pagdesign ok na ! kaya buong maghapon opps di lang pala hapon kundi buong magdamag kong ginawa ang aming proyekto ayys halos 1 am nako natulog pero ayos lang ang importante naman ay natapos ko na ito ! =’)

Martes, Marso 5, 2013

Anu ba naman !?


Dear Diary,
                Yun oh !  maayos na din yung aking napaprint sana naman magawa ko ito ng maayos ! Yun nga lang ginawa ko nga pero di  ko naman nagustuhan naguguluhan na ako sa pwedeng maging design para rito ! nakakaloka talaga ulit na naman tuloy ako sa pagprint  ng mga to ! pagkatapos naman nito ay natulog na ako !

Lunes, Marso 4, 2013

Epic Fail !!


Dear Diary,           
                Epic Fail ! kaasar ulit tuloy ako sa pagprint n gaming project sa English kaasar na much ! kasi naman hinahayaan lang nila akong gumawa nun ! aysss .. kung pwede lang tong di gawin ehh ! Pagtapos ko naman ditto ay nagcompile na ako ng aming portfolio sa MAPEH ! Masaya na rin kahit papaano dahil kumpleto ko ang aking mga activities wahahh ! nang matapos naman ako ditto ay nagpahinga na ako !

Linggo, Marso 3, 2013

Pagod MUCH !


Dear Diary,
                Hayys an gaga ko talagang nagising ngayon ba naman tambak as in ang mga Gawain ko this day ! kaloka much ! Nagsulat ako ng isang katerba sa Chemistry, Values at Mapeh pagkatapos naman itech ay pumunta kami kela Tita dahil kaarawan ngayon ng aking Tito nagpa-bless nga rin sila ng kanilang bahay eeh. Pagkatapos nito ay kainan na syempre ! nang makauwi naman ako ay ginawa ko na ulit ang aking mga Gawain ! =’))

Sabado, Marso 2, 2013

Grabehan na to !


Dear Diary,
                Ay nakakatamad talaga ngayon parang ayaw ko kumilos. Kaya yun punta punta din sa SM ngayong hapon ! bumili ako ngayon ng mga gagamitin ko para sa project namin sa English halos inabot ng 200 pesos ang nagastos ko sa National Bookstore ! grabey ! makawaldas talaga ako walang hanggan ! Pagkauwi ko ay nagkompyuter na muna ako saglit para sa ipapaprint ko sa lunes. Nang matapos naman nito ay gumawa ako n gaming takdang aralin sa kung anek-anek ! =’))

Biyernes, Marso 1, 2013

Bawi lang YAN !


Dear Dairy,
                Ngayon ay Biyernes !! YES !  pahinga ang aking modek ngayon bawi-bawi lang sa mga puyat ko nang mga nakaraan. Mahaba ang tulog ko ngayon panu ba naman halos ala-siete na ako namulat ! ay sarap ng buhay ko ngayon hahha ! =’))