Ang asignatura na ito ay
nakasaad ang mga dapat isaalang-alang sa pagkuha ng kurso dahil ang pagpili
nito ay dapat pinagiisipan ng husto at di agad-agad. Maraming masasayang kung
maling kurso ang mapipili na taliwas naman sa abilidad at talento.
Sabado, Marso 16, 2013
Biyernes, Marso 15, 2013
Mga Kursong Nais
Ito rin ay aming takdang
aralin , isusulat naming ang mga nais naming kurso baling araw. Medyo wala pa
talaga akong ideya sa aking kukuning kurso buti nga yun iba kong mga kaklase ay
alam na nila ang nais nila samantalang ako ito wala pa ring maisip. Ayyss
siguro may tamang raw at panahon diyan.
Positibo at Negatibong Paguugali
Ito ang aming takdang
aralin ito ay may koneksyon sa aming tinalakay na Ang Pamana. Isinaad ko rito
ang mga positibo at negatibong paguugali
meroon ang aking mhala na ina.
Ang Pamana
Ang Pamana ni Jose Corazon
De Jesus ay patungkol sa isang ina na dala ng katandaan ay inahahabilin na mga
pamana nya sa kanyang mga anak. Ang aking natutunan sa tulang ito ay
napakahalaga na magkaroon ng isang mapagmahal na ina ito ay isang kayaman na
walang katumbas. Ang kanilang pagmamahal sa atin ay walang kupas at walang
hanggan ang problema nga lang di natin ito pinapansin at pinapahalagahan. Natutunan
ko rin na habang may oras pa ay kailangan kong maparamdam sa aking ina kung
gaano ko siya kamahal at kaimportante dahil alam kong di ko na mababalik ang
oras na aking sinayang.
Hayahay na Naman !
Dear Diary,
Yun Ohh ! last day na ng exam
ngayon hayahay na naman ang 3-1 feeling nga naming bakasyon na sa lunes pero
bawal pa muna kelangan pa kasing pumasok! Medyo nakakatamad na kasi alam ko
wala na kaming gagawain nyan pero ok na rin dagdag baon rin yan oh diba ? medyo
nakakalungkot na nga ehh ! bakasyon na at ang malupit nun 4th year
na kami sa susunod na pasukan kabado na naman ako nyan panu ba naman bagong
guro, bagong katabi at bagong pagsubok sa aming lahat. Masang natapos ang araw naming
ngayon kasi nagkaroon ng maikling program para parangalan ang mga gumanap sa
aming proyekto sa Filipino at ang nakakatuwa isa ako dun ! J paguwi ko nga ng bahay ay tuwang-tuwa
sa akin ang aking mama napawi daw lahat ng pagod nya ng dahil lang sa isang
medalyang aking natangga. Mas agresibo tuloy akong makatanggap ng mga medalya kasi ang sarap sa pakiramdam na
may napapasaya akong tao dahil lang dun. Kaya ito ang aking premyo ay
nag-computer ako ng matagal na oras hahha ! =;)
Huwebes, Marso 14, 2013
TIWALA LANG ! Makakapasa AKOoo !
Dear Diary,
Unang
araw ng pagsusulit kamusta kaya mga sagot ko dun ?! wahahh sana naman magbunga ang pagpupuyat ko
sana naman makapasa ako at sana naman mataas makuha ko dun! Eto pagkauwi tamang
update lang muna sa aking blog pagkatapos ay pahinga mode saglit at aral ulit
last day na bukas ng pagsusulit at medyo mahirap ang asignatura para bukas lalo
na ang MATH ! ohh my God ! pero sabi nga nila TIWALA LANG ! kaya yun tiwala
lang sa pagkakbisa ng mga formulas (sana matandaan ko pa !) =’))
Miyerkules, Marso 13, 2013
Ramdam na ang Pagpapaalam !
Dear Diary,
Grabe ang mga eksena kanina sa
klasrum ! halos nagpapaalam na saamin ang iba naming guro nakakalungkot isipin
pero ganun talaga may mga bagay talagang kelangang matapos para makapagsimula
ng panibago! Lalo na si Gng. Mixto ! inisa-isa talaga nya kami haha grabe ang
sabi nya sakin pero totoo naman talaga =’)) masaya talaga ako na naging guro ko
silang ngayong ikatlong taon
! Pagkahapon naman interview ko kay Bb. Tayamora kabado much talaga ! full English pa mga sagot ko haha pwede naman pa lang magtagalog pero ok na yun para matutuo rin ako ! Medyo ok naman ang mga sagot ko (I wish) sana tugma lahat sa tinatanong nya. Hapon na kami nakauwi kaya pagkauwi ko pahinga unti at ratrat na naman sa paggawa ng TLE at aral mode NA NAMAN !! nang matapos naman ako pahinga naman ang inatupag ng mata ko !
! Pagkahapon naman interview ko kay Bb. Tayamora kabado much talaga ! full English pa mga sagot ko haha pwede naman pa lang magtagalog pero ok na yun para matutuo rin ako ! Medyo ok naman ang mga sagot ko (I wish) sana tugma lahat sa tinatanong nya. Hapon na kami nakauwi kaya pagkauwi ko pahinga unti at ratrat na naman sa paggawa ng TLE at aral mode NA NAMAN !! nang matapos naman ako pahinga naman ang inatupag ng mata ko !
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)



