Dear Diary,
Ngayon ay
araw ng Linggo at araw rin ito ng pamimili naming ni mama para sa pagdiriwang
ng pasko kinabukasan. Paggising ko ay pinamamadali na nga ako ni mama para
samahan ko siya sa Goldilocks at sa Cherry dahil sabi niya ay mamimili kami
ngayon n gaming ipanghahanda. Pagdating naming
sa Goldilocks ay ang daming tao siksikan at ubusan na rin ng mga iba’t-ibang
klase ng cakes nang kami ay pumunta naman sa Cherry ay ganoon din ang sitwasyon
parehas maraming tao at ubusan ng mga pagkain. Di masyadong marami an gaming pinamili
ngayon dahil masa gusto ni mama ay mas maging espesyal ang pagdiriwang ng
Bagong taon. Pagkagabi ay naghiwa na si mama ng mga karne at tumulong rin ako
upang mapabilis ang paggawa sumunod ay ako na ring ang naghugas ng aming
pinggang pagkatapos kumain. Sa totoo lan ay di ko na mahintay ang bukas para
lang kumain ng aming handa. Sa isang taon lan kasi kung ipagdiriwang ang pasko
kung kaya’t talagang ipinaghahandaan ito ni mama. =’)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento