Dear Diary,
Masaya at
nakakagulat ang araw na ito dahil ginising kami ni mama ng maaga dahil kami
pala ay magbabakasyon ng tatlong araw sa Caloocan sa aming tita. Pagkapunta ko
roon ay nagulat din ang aking mga pinsan sa aming pagdating tulad ng dati sa
tuwing kami ay pupunta doon ay puro kami gala n gaming pinsan at panay kami
kain sa tindahan dahil malapit lang ang kanilang bahay sa tindahan. Sadyang
nakakapagod ang araw na ito para sa akin dahil puro kami laro at gala. Busog na
busog roin ako ngayong araw dahil marami silang natirang handa nuong pasko kaya
puro kaen lang talaga ang aking ginawa at puro higa rin. Iwas gawaing bahay rin
ako ngayon dahil kami ay bisita nila tita kung kaya’t hindi ako nakakapghugas
ng mga plato. =’)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento