Dear Diary,
Disperas na
ng pasko ngayon ! paggising ko ay medyo napagalitan ako dahil tanghali na ako
gumising at hindi agad naghanda para makakaen na. Pagkahapon ay natulog muna
ako saglit para may lakas ako magpuyat mamaya. Pagsapit ng gabi ay sadyang
nakakapanabik ng kumaen n gaming mga handa at ang mga ibinigay sa amin ng aming
mga kapitbahay. Talagang gusto ko ang disperas ng pasko dahil marami akong
kinakain at nagsasaya kami tuwing gabi. Masaya magpuyat habang kumakaen ng
masasarap tulad ng Ice Cream, Cake,
Spaghetti at Buko Salad yan lang kasi ang aming mga handa halos lahat
naman kasi nyan ay aking paborito. Pagsapit ng ala-una ng umaga ay nagsimula na
ang kasiyahan sa aming kapitbhay nagsimula nang buksan ang malalakas na tugtug
pati ang mga malalakas na boses mula sa Videoke ay maririnig muna. Saming mga
magpipinsan ay tamang tambay lang muna sa mga Tita naming upang mamasko J at sumayaw ng usong
kanta na Oppa Gangnam walang humpay itong ipinapatugtog dahil sadya naming kasi
talaga itong nakakaindak. Hanggang sa duimating ang oras na kami ay pinauwi na
aking mama upang matulog na dahil ika-apat na pala ng umaga. =’)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento