Dear Diary,
Ngayon ay
Biyernes at maaga pa lang ay ginising na kami ni mama dahil ito ang araw para
kami ay umuwi na sa aming tahanan sa Antipolo ito ang oras para magpaalam na sa
kanila. Tapos na ang aming maliligayang araw ditto sa Caloocan at nakakalungkot
namang isipin iyon ! haysss . mamimiss ko ang aking mga pinsan at an gaming mga
kulitan at harutan sa kanilang bahay. Hilong-hilo ako sa pagsakay ng LRT at
parang sa pag-andar nito ay nakakaramdam ako ng pag lindol. Pagguwi naming ay
kumain muna ako saglit tapos ay natulog na ako kaagad dahil nga sa maaga kami
umuwi at nahihilo pa ako. Sa paggising ko naman ay nag-computer ako kagad dahil
namiss ko na ang pag-FB . Pagkatapos ko naman mag-FB ay humiga ulit ako dahil
parang naboboring naman ako hinihintay ko na lang ang oras ng hapunan para ako
ay kumain na naman ulit at pagkatapos ay matulog na naman ng mahimbing. =’))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento