Huwebes, Enero 31, 2013

Tambak na Gawain !


Dear Diary,
            Maraming takdang-aralin ngayong araw lalo na sa English, AP at Filipino pagkatapos kong gawin ito ay nagpahinga ako saglit habang nanunuod pagkatapos ng palabas ay natulog na ako.

Miyerkules, Enero 30, 2013

Si Fely Ako ?!!


Dear Diary,
            Hindi ako kagad umuwi diretso ng bahay dahil ngayong araw ang aming paggawa ng aming proyekto sa Filipino. Pagkauwi ko naman ay ginawa ko kagad ang aking takdang-aralin at nagsimula na ulit akong magpinta. Pagkatapos nito ay nagpahing na ako. =’)

Martes, Enero 29, 2013

Sipag Time !


Dear Diary,
            Naubusan na ako ng pintura kung kaya’t pag-uwi ko ay pumunta ako kagad sa Paint Center upang bumili at pagkauwi ay natulog na ako at pagising naman ay gumawa ako ng mga takdang-aralin at medyo marami ito kung kayat halos ilang oras ang nagugol ko sa paggawa at pagtapos ng lahat ng ito. Nang matapos na akong gumawa ay natulog na ako. =’)

Lunes, Enero 28, 2013

Makulit na S.I.P


Dear Diary,
            Hindi pa rin tinggap ngaming guro an gaming S.I.P kung kaya’t ganuon pa rin kelangan ko pa ring maghanap at mag-isp ng bago medyo nakakapagod na dahil paulit-ulit na lang pero ganun talaga proyekto kasi naming kaya kelangan talagang paghirapan ng husto. =’)

Linggo, Enero 27, 2013

Habait Ha Bata !


Dear Diary,
            Ngayon ay linggo at ito ang araw na pagpunta ni mama sa Cherry kaya ngayon ay sinamahan ko siya sa totoo lang paminsan ko lang itong gawin sa kanya kaya siguro mabait akong bata. Pagkauwi galling Cherry ay nagpahinga ako saglit at gumawa rin ng takdang-aralin. Pagkatapos nito ay natulog na ako nang matapos kong panuorin ang Gandang Gabi Vice. =’)

Sabado, Enero 26, 2013

Galaan Mode !


Dear Diary,       
            Wala naman kaming masyadong Gawain para sa linggong ito kung kaya’t pagkahapon ay pumunta ako sa bahay ng aking pinsan upang magliwaliw doon. Sobrang Masaya naman ako sa pagpunta ko roon dahil puro ako tawa at galak. Pagkasapit ng alasais ay umuwi na ako dahil baka pagalitan na ako ni mama. =’)

Biyernes, Enero 25, 2013

Pahinga Time !


Dear Diary,
            Dahil sa napagod ako kahapon sa paggawa ng clay pottery  ay ayos lang dahil nakakuha naman ako ng 95 na grado Masaya na ako doon dahil talgang pinaghirapan ko ito. Ang pasya ko lamang sa araw na ito ay magpahinga lamang buong araw upang makabawi. =’)

Huwebes, Enero 24, 2013

Paggawa ng Clay Pottery !


Dear Diary,
            Pagkauwi ko galling sa eskwelahan ay buong maghapon kong ginawa an gaming activity sa MAPEH yun ang paggawa ng clay pottery at teacup sadyang nakakapagod talaga ito dahil kelangang mahinahon ang iyyong kamay sa paghulma nito, kailangan rin ng konting tyaga para perpekto ngunit natuwa naman ako sa resulta ng aking ginawa. =’)


Miyerkules, Enero 23, 2013

Pagudan !


Dear Diary,
            Yehey ! natapos na rin ang aming painting sa TLE pagkauwi ko ay natulog na muna ako saglit at paggising ko ay gumawa ako n gaming script para sa makabuluhang presentasyon naming sa English bukas at dahil meroon dito na parteng magtatapos siya ng koleheyo ay kailangan ko ring gumawa ng speech at pagkatapos ay ginawa ko naman ang aking mga takdang-aralin. Nang malapit ng ipalabas ang Ina Kapatid Anak ay huminto na ako sa paggawa para manuod at magpihanga na. =’)

Martes, Enero 22, 2013

Nakakapagod na Araw !


Dear Diary,
            Sadyang nagugol ang buong mag-hapon sa paghahanap ng aming S.I.P sa Chemistry ayaw kasing tanggapin n gaming guro dahil napatunayan na daw itong eksperemento kaya maghanap na lamang daw kami ng bago. Pagkatapos kong maghanap ay nagpaint naman ako sa TLE at pagkatapos nito ay ginawa ko naman ang aking mga takdang-aralin. Nang natapos ko na ang lahat nang ito ay natulog ako dahil malapit ng maghating-gabi. =’)

Lunes, Enero 21, 2013

Petiks Muna !


Dear Diary,
            Ngayong araw pagkagaling sa eskwelahan ay wala ako masyadong ginawa. Natulog lamang ako pagkatapos kumain, at nung pagkagising ay sumaglit sa pagawa ng takdang-aralin at pagkatapos ay nagbasa sa A.P. matapos kong magbasa at kumain ay pinatulog na ako ni mama. =’)

Linggo, Enero 20, 2013

Linggo

 
Dear Diary,
            Araw ng Linggo ngayon at ginawa ko ang utos ni Maam Mixto tungkol sa sulat na kelangan may kuha ng litrato na hawak at binabasa ng magulang ang sulat. Pagkagising ko ay nagulat na lang ako bigla na may 100 pesos sa aking unan iyon pala ay bigay ni papa dahil sa mataas na marka na nakuha ko ngayon. Pagsapit naman ng hapon ay kinuhaan ko na ng litrato si mama dahil umalis na si papa at umuwi na ng Caloocan. Masaya naman si mama dahil sa aking sulat at sinabi rin niya na mahal na mahal din niya ako. Pagkagabi ay nanunod na kami ng palabas ni ate at pagkatapos ay natulog na ako dahil sa pasukan na naman ulit bukas. =’) 

Sabado, Enero 19, 2013

Sabado


Dear Diary,
            Ngayon ay kuhaan n gaming Kard ang pinaka-nakakabang parte lagi ng aking buhay dahil ito na ang resulta ng aking pinaghirapan at SOBRANG MASAYA ako sa resulta dahil halos lahat ay tumaas ako bumaba man ako sa AP pero isang puntos lang. Masaya rin ako dahil nakabalik na ulit ako sa Top at ako ay Top 4 medyo nakakaiyak dahil Masaya talaga sa akin si mama lalo na si papa kahit na medyo hindi kami magkasundo ni papa pero naiintindihan ko naman yun Masaya pa rin ako dahil paminsan nagiging suportado naman sakin siya. Pagkahapon ay umalis kami ni mama at tumungo Kami sa Masinag dahil bibili sana ako ng Cd na Shindler’s List para sa AP pero wala ng kopyang mga ganun kaya pumunta na lang kami ni mama sa Jollibee at kumain parte na rin ito n gaming selebrasyon dahil sa nakabalik na ako sa top. Pagkauwi ay ginawa ko na ulit ang aking paint sa TLE at nanuod ng palabas at pagkatapos ay natulog na ako. =’)  


Biyernes, Enero 18, 2013

Biyernes

Dear Diary,
            Ngayon ang araw na lilipat ng bahay sila tita kaya alas-tres pa lang ng umaga ay nagising na ako dahil sa naghahakot na sila ng kanilang gamit para lumipat nakakalungkot mang isipin pero ganyan talaga ang buhay kelengan magkahiwa-hiwalay kung minsan. Pero ang maganda naman sa kanilang lilipatan ay dito parin sa Agnes ibig sabihin ay pwede ko silang mapuntahan paminsan. Pagkauwi ko galling sa eskwelahan ay natulog na ulit ako. Ginising naman ako kagad ni ate dahil maaga siyang umuwi kasama ang kaniyang nobyo dahil nakalimutan ko na ngayon pala ang kaarawan ni Kuya J pero di ko padin napigilan ang matulog kaya di ko pinansin si ate at nagpatuloy ako sa pagtulog at hinayaan naman niya ako. Maya-maya pa ay ginising na naman niya ako ulit dahil kakain na ng hapunan pagkatapos ay nanuod na kami ng palabas At pansamantala ako;y nakipagtext sa aking mga kaklase. =’)


Huwebes, Enero 17, 2013

Huwebes



 
Dear Diary,
            Ngayon ay Huwebes ! at natapos na ang aming graded recitation sa MAPEH Masaya naman ako sa resulta dahil naka-90 pa ako J pagkauwi ko ay natulog na ako pagkatapos kumain. Pagkagising naman ay pansamantalang nakipagkulitan ako sa aming kapit-bahay na baby ! ang saya kasing makipaglaro s mga bata parang gugustuhin mo na lang maging bata palagi dahil sa walang inaalalang problema sa buhay puro lang sila laro. Pagkatapos ay nag-aral na ako dahil nagsimula ng magalit sakin si mama dahil di pa daw ako nag-aaral. Hayyss -_- sinusunod ko na lamang siya dahil alama ko para sakin din naman ang ginagawa niya tsaka naisip ko rin na di ko na maibabalik yun mga oras na nasayang ko sa paggugol ng mga walang kwentang bagay. Pagkatapos kong magbasa ay natulog na ako. =’)

Miyerkules, Enero 16, 2013

Miyerkules

 Dear Diary,
            Masaya ako sa araw na ito ! at sa resulta ng ginawa kong paint kagabi dahil kinuha ito ni Sr. Espina para gawing halimbawa sa ibang seksyon J nagbunga lahat ng aking pagod kagabi kaya paguwi ko ay agad-agad ko itong binalita sa aking mama at Masaya siya para sa akin. Pagkatapos ay natulog na ako ng apat na oras at paggising ko ay sinimulan ko nang mag-aral sa MAPEH dahil sa meroon kaming graded recitation bukas isa-isa kaming tatawagin ni Maam Nacolanga para sagutin ang kanyang mga kasagutan kasama na rin ito sa pagrereview naming mula nung unang markahan dahil halos tapos na naming ang lessons sa libro. Pagkatapos kong magkabisado ay natulog na ako para hindi ako antukin bukas sa klase. =’)

Martes, Enero 15, 2013

Martes

 
Dear Diary,
            Pagkagaling sa skwelahan ay nagpahinga ako saglit tapos ay sinimulan ko na ang magrecord at mag-tama ng Gawain naming sa English nang ako ay mapagod ay umalis na ako sa bahay para pumunta ng SM bibili kasi ako ngayon ng paintbrush para sa TLE. Pagkagaling sa SM ay diretso naman ako sa Mambugan Paint Center para naman pintura ang bibilhin ko tapos ay naglakad na ako pauwi. Pagkauwi ay ginawa ko kagad ang aking paint para tapos ko na ngayong araw.  Nang matapos ko ang lahat ay nakaramdam na ako ng pagod kung kaya’t pinagpasyahan ko ng matulog na at ipahinga ang aking katawan. =’)

Lunes, Enero 14, 2013

Lunes

Dear Diary,
            Pagkauwi ko galling skwelahan ay pansamantala akong nagpahinga pagkatapos kong kumain dahil gumawa ako ng takdang aralin sa English. Pagkatapos ay natulog na ako dahil nakaramdam na ako ng antok.  Pagkatapos ng apat na oras ay ako ay nagising na agad akong nag-aral dahil paniguradong papagalitan na naman ako ni mama pag di pa ako nag-aral. Matapos kong mag-aral ay kumain na ako ng aming hapunan tapos ay nanunod ng Ina,Anak,Kapatid lagi kasi naming itong sinusuybaybay gabi-gabi dahil sa maganda ang kwento nito. Pagkatapos ay piñatay na ni mama ang telebisyon, hindi muna niya ako pinatulog dahil sabi niya magbasa muna ako. Paminsan tinatawanan ko na lang ang aking mama dahil strikto talaga siya sa akin pagdating pag-aaral dahil gusto niya may marating ako sa buhay at mapawi ang lahat ng kanyang pagod at sakripisyo sa aming magkapatid. Nang matapos na akong magbasa ay sa wakas natulog na ako. =’)

Linggo, Enero 13, 2013

Linggo

Dear Diary,            
            Ngayong ay Linggo ! J ngayong araw ay wala akong masyadong ginawa dahil sa tapos na ang exam kaya panigurado ay kinabukasan magtatama lang kami n gaming mga pagsusulit. Nagpahinga rin ako ngayon paara makabawi sa ilang araw na puyat ! nakakapanabik kasing matulog ulit ng matagal tuwing sabado at linggo ko lang kasi nagagawa iyon. Pagkagising ko ay hapunan na pala kaya dali-dali akong kumaen at pagkatapos ay nanuod na kami n gaming paboritong panuorin tuwing gabi nang linggo ang Gandang Gabi Vice Ganda. Sobrang nakakatuwa kasi itong panuorin at puro kami tawa kaya nakakagaan ng loob pansamantala naming nakakalimutan lahat ng aming problema. Pagkatapos naming manuod ay sinimulan ko ng matulog kasi balik-eskwela na naman kami ulit bukas. =’)

Sabado, Enero 12, 2013

Sabado

                                                   
        

Dear Diary,                                                       
          Sabado ngayon ! ;) tanghali na ako bumangon sa aking kama dahil masarap pang humiga dahil malamig. Gumawa ako ngayon ng aking Blog dahil di ako nakapagupdate ng ilang araw kaya medyo marami-rami ang aking gagawin ngayon.        Pagkatapos kong gumawa ay nagpicture picture ako kasama ang aking paboritong si Domo ! kaya puro upload ang aking ginawa. Nang matapos ko na gawin ang aking blog ay wala na akong masyadon inalala. Kaya Masaya ako na natapos ko na lahat ang aking mga Gawain sa lalaong medaling panahon. Pagkatapos ay kumain ako ng tsokolate na bigay ni mama sakin tapos ay natulog na ko at manunuod na naman pagkagising ko. =’)

Biyernes

Dear Diary,                                                       
          Tapos na ang unang araw ng pagsusulit ! Masaya naman ako dahil sa tingin ko ay di nasayang ang pagugugol ko ng oras para sa pagkakabisa lalong-lalo na sa MAPEH . Sana ay magbunga ng maganda ang pagpupuyat ko. Para bukas naman ay aming itetest ay Math, AP, English at TLE . Kaya review ulit ang aking ginawa para sa mga asignatura na ito. Di ako masyadong nagpuyat ngayong araw dahil binigyan ko ng oras ang aking sarili na makatulog uli ng maaga at makapagpahinga para bukas . =’)

Huwebes, Enero 10, 2013

Huwebes

Dear Diary,                                                       
          Tapos na ang unang araw ng pagsusulit ! Masaya naman ako dahil sa tingin ko ay di nasayang ang pagugugol ko ng oras para sa pagkakabisa lalong-lalo na sa MAPEH . Sana ay magbunga ng maganda ang pagpupuyat ko. Para bukas naman ay aming itetest ay Math, AP, English at TLE . Kaya review ulit ang aking ginawa para sa mga asignatura na ito. Di ako masyadong nagpuyat ngayong araw dahil binigyan ko ng oras ang aking sarili na makatulog uli ng maaga at makapagpahinga para bukas . =’)

Miyerkules, Enero 9, 2013

Miyerkules

Dear Diary,                                                       
          Malapit na naman ang aming ikatlong pagsusulit ! kaya eto busy busy ang PEG . Nilaaan ko ang araw na ito para gawin ang aking mga Porfolio na kailangang ipasa sa huwebes. Maraming Porfolio ang kelangan matapos sa araw na ito para bukas ay puro aral at pagbabasa na lang ang iintindihin ko. Pagkatapos kong tapusin ang lahat ay niligpit ko muna ang aking mga akalat para di mapagalitan ni mama. Pagkatapos ay nagbasa ako saglit pero di ko na kinaya dahil anung oras na ako natapos sa paggawa ng portfolio kaya natulog na lang ako.

Martes, Enero 8, 2013

Martes


Dear Diary,                                                       
          Malapit na naman ang aming ikatlong pagsusulit ! kaya eto busy busy ang PEG . Nilaaan ko ang araw na ito para gawin ang aking mga Porfolio na kailangang ipasa sa huwebes. Maraming Porfolio ang kelangan matapos sa araw na ito para bukas ay puro aral at pagbabasa na lang ang iintindihin ko. Pagkatapos kong tapusin ang lahat ay niligpit ko muna ang aking mga akalat para di mapagalitan ni mama. Pagkatapos ay nagbasa ako saglit pero di ko na kinaya dahil anung oras na ako natapos sa paggawa ng portfolio kaya natulog na lang ako.

Lunes, Enero 7, 2013

Lunes


Dear Diary,                                                       
          Malapit na naman ang aming ikatlong pagsusulit ! kaya eto busy busy ang PEG . Nilaaan ko ang araw na ito para gawin ang aking mga Porfolio na kailangang ipasa sa huwebes. Maraming Porfolio ang kelangan matapos sa araw na ito para bukas ay puro aral at pagbabasa na lang ang iintindihin ko. Pagkatapos kong tapusin ang lahat ay niligpit ko muna ang aking mga akalat para di mapagalitan ni mama. Pagkatapos ay nagbasa ako saglit pero di ko na kinaya dahil anung oras na ako natapos sa paggawa ng portfolio kaya natulog na lang ako.

Linggo, Enero 6, 2013

Linggo

Dear Diary,                                                       
          Ngayon ay sabado ! kaya wala akong masyadong ginawa ngayon kundi ang magbabad sa aming computer. Medyo naboboring kasi ako ngayon sa aming bahay kasi gusto kong gumala pero bawal naman. Kaya ito puro computer na lang. Puro Fb, Youtube, gawa sa Blog, edit ng picture at kung anu-anu pa. Pagkatapos ay natulog naman ako ng ilang saglit at pagkagising ay ginawa ko ang mga takdang aralin. =’)

Sabado, Enero 5, 2013

Sabado


Dear Diary,                                                       
          Ngayon ay sabado ! kaya wala akong masyadong ginawa ngayon kundi ang magbabad sa aming computer. Medyo naboboring kasi ako ngayon sa aming bahay kasi gusto kong gumala pero bawal naman. Kaya ito puro computer na lang. Puro Fb, Youtube, gawa sa Blog, edit ng picture at kung anu-anu pa. Pagkatapos ay natulog naman ako ng ilang saglit at pagkagising ay ginawa ko ang mga takdang aralin. =’)

Biyernes, Enero 4, 2013

Biyernes

Dear Diary,
          Pasukan ulit ngayon at batay sa king inaasahan marami ang absent ngayon pero kailangan ko pa ring pumasok dahil ngayon ang paasahan n gaming proyekto sa English. Masaya naman ako sa aking ginawa dahil nagandahan naman ang aking mga kakalase noong ito;y aking ipresenta sa harapan. Pag-uwi ko naman ay sadyang nakakatuwa dahil di ko alam bakit kami nagpicture ng aking mama. Maraming larawan kasama ng aking mama at parang ito ang unanag pagkakataon na magpicture kami ni mama ng marami sadyang nakakatuwa talaga ngayong araw. Pagkatapos ay natulog na ako at nagpahinga , Pagkagising ko naman ay nag-computer ako at pagkatapos ay nanuod ng mga palabas. Halos inumaga na kaming nanuod kaya puyat ako talaga. Pero masayang araw naman ito para sa akin. =’)

Huwebes, Enero 3, 2013

Huwebes

Dear Diary,
          Hayyss .. pasukan na naman ngayon ! siguradong maraming di balik eskwela ngayon dahil yung iba asa bakasyon pa. Pero ako go lang ng go pumasok ako talaga. Nakakapanabik itong araw na ito dahil dalawng lingo kaming nagbakasyon at puno ng kwentuhan ang una naming pagkikita sa klasrum. Nakasama ko agad ang aking mga kaibigan at namiss ko lahat sila. Medyo nakakaantok nga lang ang unanag pagpasok ko nasanay na kasi akong tanghali nagigising pero ok lan naman. Ang ibang guro ay nagpasyang hindi na muna magturo dahil sa hindi naman kumpleto ang estudyante kaya nagpapagawa na lang sila ng kung anu-anu. Sng iba naman ay nagturo sa amin ng lesso dahil sa malapit na ang exam ! .  Medyo bc ako nung pag-uwi ko dahil ginawa ko kagad an gaming takdang aralin sa English ang Faith Goals kaya anung oras na naman ako natulog dahil sadyang pinaganda ko ito. =’)

Miyerkules, Enero 2, 2013

Miyerkules

Dear Diary,
          Ngayong araw ay kaarawan ng aking ate ! kaya nagkaroon kami ng unting paghahanda. Simple ngunit makahulugan dahil nagdagdagan na naman si ate ng isa pang taon. Kasama sa selebrasyon ang mga kaklase ni ate at kami ay kumain nalang sa labas dahil kulang na aming inihanda.Pagkatapos nito ay umuwi na ako para tulungan si mama sa paglilinis at sa paghuhugas ng pinggan. At sa wakas ay nakapahinga na rin ako matatapos na rin ang masayang araw na ito. Pagdating naman ni ate ay inaasar ko siya dahil siya ay 20 na kaya medyo naasar din siya sa kin. Maaga ako natulog ngayon dahil PASUKAN NA BUKAS ! at nakakasabik na ulit Makita ang aking mga kaibigan,. =’)

Martes, Enero 1, 2013

Martes

Dear Diary,
          Hayyyss ! halos alas-tres na ako nagising at nilaan ko ang araw na ito para gumawa ng aking blog dahil din ako nakakapag-update nito. Medyo marami akong nagawa ngayon dahil anim na araw akong hindi gumawa. Habang ako ay gumagawa ay busy rin akong kumain ng Nova at Ice Cream. Kaya sulit naman ang aking paggawa dahil habang ako ay gumagawa ay nabubuso ako. Yan siguro dahil sa kaen ako ng kaen siguro naman ay tumaba na ako J at dahil na rin sa tumalon ako ay siguro naman ay tumangkad ako kahit konti . Ngayon ay ang unang araw ng 2013 kaya masay akong iselebrason ito. Sana sa taong ito ay walang humpay na grasya ang dumating sa aming pamilya at sana lahat kami ay malusog. HAPPY NEW YEAR ! =’))