Dear Diary,
Pagkauwi
ko galling skwelahan ay pansamantala akong nagpahinga pagkatapos kong kumain
dahil gumawa ako ng takdang aralin sa English. Pagkatapos ay natulog na ako
dahil nakaramdam na ako ng antok.
Pagkatapos ng apat na oras ay ako ay nagising na agad akong nag-aral
dahil paniguradong papagalitan na naman ako ni mama pag di pa ako nag-aral.
Matapos kong mag-aral ay kumain na ako ng aming hapunan tapos ay nanunod ng
Ina,Anak,Kapatid lagi kasi naming itong sinusuybaybay gabi-gabi dahil sa
maganda ang kwento nito. Pagkatapos ay piñatay na ni mama ang telebisyon, hindi
muna niya ako pinatulog dahil sabi niya magbasa muna ako. Paminsan tinatawanan
ko na lang ang aking mama dahil strikto talaga siya sa akin pagdating pag-aaral
dahil gusto niya may marating ako sa buhay at mapawi ang lahat ng kanyang pagod
at sakripisyo sa aming magkapatid. Nang matapos na akong magbasa ay sa wakas
natulog na ako. =’)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento