Dear Diary,
Araw
ng Linggo ngayon at ginawa ko ang utos ni Maam Mixto tungkol sa sulat na
kelangan may kuha ng litrato na hawak at binabasa ng magulang ang sulat.
Pagkagising ko ay nagulat na lang ako bigla na may 100 pesos sa aking unan iyon
pala ay bigay ni papa dahil sa mataas na marka na nakuha ko ngayon. Pagsapit naman
ng hapon ay kinuhaan ko na ng litrato si mama dahil umalis na si papa at umuwi
na ng Caloocan. Masaya naman si mama dahil sa aking sulat at sinabi rin niya na
mahal na mahal din niya ako. Pagkagabi ay nanunod na kami ng palabas ni ate at
pagkatapos ay natulog na ako dahil sa pasukan na naman ulit bukas. =’)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento