Dear Diary,
Ngayon
ang araw na lilipat ng bahay sila tita kaya alas-tres pa lang ng umaga ay
nagising na ako dahil sa naghahakot na sila ng kanilang gamit para lumipat
nakakalungkot mang isipin pero ganyan talaga ang buhay kelengan
magkahiwa-hiwalay kung minsan. Pero ang maganda naman sa kanilang lilipatan ay
dito parin sa Agnes ibig sabihin ay pwede ko silang mapuntahan paminsan.
Pagkauwi ko galling sa eskwelahan ay natulog na ulit ako. Ginising naman ako
kagad ni ate dahil maaga siyang umuwi kasama ang kaniyang nobyo dahil
nakalimutan ko na ngayon pala ang kaarawan ni Kuya J
pero di ko padin napigilan ang matulog kaya di ko pinansin si ate at nagpatuloy
ako sa pagtulog at hinayaan naman niya ako. Maya-maya pa ay ginising na naman
niya ako ulit dahil kakain na ng hapunan pagkatapos ay nanuod na kami ng
palabas At pansamantala ako;y nakipagtext sa aking mga kaklase. =’)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento