Lunes, Disyembre 31, 2012

Lunes

Dear Diary,
          Yeheeey ! =’D sumapit din ang araw na ito ! ang pinaka-inaabangan ko sa buong buhay ko ang BAGONG TAON ! ditto kasi talaga ako lubos na nagsasaya at masayang-masaya talaga ako sa araw na ito ! Maganda ang paggising ko dahil marami agad ang pagkain sa aming lamesa kaya’t umaga palang ay walang tigil ang anking pagkain. Pagsapit nanan ng gabi ay wala ng tigil ang trabaho ni mama sa pagluluto n gaming ihahanda para sa Medya Buena rinig na rin ay malalakas na tugtog sa kabi-kabilang bahay at uso talaga ang Gangnam J wala pang alas-dose ay nagsisimula ng magpaputo ang iba at simula na rin ito ng aking pagtambay sa labas n gaming tahanan. Walang tigil ang pakikipaglaro ko sa king mga pinsan na makukulit ! . Pagguwi ko ay kumain na ko ng hapunan at hapunan pa lang ang aking nakakain ay buso na busog ako kaagad pero wala pa rin akong tigil sa pagkain. At sa eto na ang pagsisimula ng Countdown para sa 2013 ang ang taon para sa Water Snake. Walang humpay ang putukan na aking nakikita kulang na lang mahilo na ako sa dami nito. Manghang-mangha ako sa iba’t-ibang kulay na ipinapakita nito sa kalangitan at wala rin tigil ang aking pagtalon para tumangkad pa lalo ! at pagkatapos nito ay umuwi na kami para kumain n gaming handa mula sa aking paguwi ay hindi ko na binitiwan ang aking tinidor sa pagtusok ng ibba;t-ibang putahe sa aming lamesa at tapos ay nilabas naming ang aming camera para kumuha ng larawan walang humpay ang pagkuha ko ng larawan saming dalawa ni mama. Niligpit na nila ang pagkain at lahat sila ay knockdown na sa unan habang ako ay alive at sadyang hyper pa ! kaya nakipagtext muna ako sa aking mga kaklase at natulog na ako ng alas-tres ng umaga. =’))

Linggo, Disyembre 30, 2012

Linggo

Dear Diary,
          Ngayon ay Linggo at wala akong masyadong ginawa ngayong araw. Parang gusto ko lang lagging humiga at humiga at humiga at matulog nang matulog at kumain at kumain lang. Kaya kung anu talga ang ninais ko ay ganoon din ang nangyari dahil pasukan na naman kaya’t di ko na ulit magagawa yung ginagawa ko ngayong bakasyon kaya sinusulit ko lang talaga. Pagkagabi ay nanunuod lang kami ng aking kapatid sa telebisyon at pagkatapos nun ay natulog na ako ng alas-dos ng umaga ganoon kasi kami manuod ni ate. =’))

Sabado, Disyembre 29, 2012

Sabado

Dear Diary,
          Dahil sa maganda ang araw ngayon at sa aking pagka-boring sa bahay ay sumaglit muna ako sa ilog para bumili nang kung anek-anek. Tamang tambay lan muna doon at pagsapit ng las-singko ay umuwi na ako dahil hanggang doon lang ang oras na aking ipinaalam. Pagkauwi ko naman ay walang tigil ang aking pagkain nang binili ni mama. Pagsapit naman ng gabi ay kumain na naman ulit ako dahil nagpapataba J pero yung sakto lang naman at pagkatapos ay natulog ako kaagad. =’)

Biyernes, Disyembre 28, 2012

Biyernes

Dear Diary,
          Ngayon ay Biyernes at maaga pa lang ay ginising na kami ni mama dahil ito ang araw para kami ay umuwi na sa aming tahanan sa Antipolo ito ang oras para magpaalam na sa kanila. Tapos na ang aming maliligayang araw ditto sa Caloocan at nakakalungkot namang isipin iyon ! haysss . mamimiss ko ang aking mga pinsan at an gaming mga kulitan at harutan sa kanilang bahay. Hilong-hilo ako sa pagsakay ng LRT at parang sa pag-andar nito ay nakakaramdam ako ng pag lindol. Pagguwi naming ay kumain muna ako saglit tapos ay natulog na ako kaagad dahil nga sa maaga kami umuwi at nahihilo pa ako. Sa paggising ko naman ay nag-computer ako kagad dahil namiss ko na ang pag-FB . Pagkatapos ko naman mag-FB ay humiga ulit ako dahil parang naboboring naman ako hinihintay ko na lang ang oras ng hapunan para ako ay kumain na naman ulit at pagkatapos ay matulog na naman ng mahimbing. =’))

Huwebes, Disyembre 27, 2012

Huwebes

Dear Diary,
          Hayss .. -_- dito ako ngayon tumambay pansamantala sa aking pinsan para makagawa ng blog. Nakakapanibago dahil maaga kami ginising ni mama para kumain siguro ganun talaga kaaga nagigising ang aking mga pinsan. Buong maghapon ay wala kaming ginawa kundi  ang manuod ng mga CD at iba’t=ibang movie tulad ng Resident Evil, Taken 2, Step Up at kung anu ano pa yun nga lang ang aking natandaan dahil naubos talaga ang aming buong maghapon sa kapapanuod ng mga iyan. Pagkatapos ay kumaen kami ng aming hapunan at nakakatuwa dahil imbis na porkchop an gaming iuulam ay nagluto ang aking pinsan ng tuyo dahil nagsasawa na daw sita sa mga karne. Puro kami tawa dahil ganun pala siya, Masaya ako ngayon at marami rin akong nakaen dahil ngayon lan ulit kami nakapagtuyo at Masaya dahil kasama ko ang aking pinsan ngayong bakasyon. =’)

Miyerkules, Disyembre 26, 2012

Miyekules

Dear Diary,
          Masaya at nakakagulat ang araw na ito dahil ginising kami ni mama ng maaga dahil kami pala ay magbabakasyon ng tatlong araw sa Caloocan sa aming tita. Pagkapunta ko roon ay nagulat din ang aking mga pinsan sa aming pagdating tulad ng dati sa tuwing kami ay pupunta doon ay puro kami gala n gaming pinsan at panay kami kain sa tindahan dahil malapit lang ang kanilang bahay sa tindahan. Sadyang nakakapagod ang araw na ito para sa akin dahil puro kami laro at gala. Busog na busog roin ako ngayong araw dahil marami silang natirang handa nuong pasko kaya puro kaen lang talaga ang aking ginawa at puro higa rin. Iwas gawaing bahay rin ako ngayon dahil kami ay bisita nila tita kung kaya’t hindi ako nakakapghugas ng mga plato. =’)

Martes, Disyembre 25, 2012

Martes

Dear Diary,
          Araw ngayon ng Pasko ! J at sadyang napalkagulo ngayong araw dahil maraming namamaskong mga bata sa kani-kanilang ninong at ninang. Marami pa rin ang nagsisiyahan ngayong araw. Grabe ang puyat ko dahil sa kagabi halos ayaw pa ngang gumising ng aking mga mata at bumangon sa malambot kong higaan pero keylangan dahil siguradong pagagalitan na naman ako ni mama pag di pa ako bumangon . Wala akong masyadong ginawa ngayong araw dahil ayoko namang mamasko dahil sa akin sila namamasko kaya kelangan ko talang matulog na lang. Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng plato tpos ay kumain ng tsokolate na talagang paborito ko J di talada mawawalan ng tsokolate sa aming Refrigirator dahil sa akin. Pagkatapos ko kumain ay natulog na ulit ako . =’)

Lunes, Disyembre 24, 2012

Lunes

Dear Diary,
          Disperas na ng pasko ngayon ! paggising ko ay medyo napagalitan ako dahil tanghali na ako gumising at hindi agad naghanda para makakaen na. Pagkahapon ay natulog muna ako saglit para may lakas ako magpuyat mamaya. Pagsapit ng gabi ay sadyang nakakapanabik ng kumaen n gaming mga handa at ang mga ibinigay sa amin ng aming mga kapitbahay. Talagang gusto ko ang disperas ng pasko dahil marami akong kinakain at nagsasaya kami tuwing gabi. Masaya magpuyat habang kumakaen ng masasarap tulad ng Ice Cream, Cake,  Spaghetti at Buko Salad yan lang kasi ang aming mga handa halos lahat naman kasi nyan ay aking paborito. Pagsapit ng ala-una ng umaga ay nagsimula na ang kasiyahan sa aming kapitbhay nagsimula nang buksan ang malalakas na tugtug pati ang mga malalakas na boses mula sa Videoke ay maririnig muna. Saming mga magpipinsan ay tamang tambay lang muna sa mga Tita naming upang mamasko J at sumayaw ng usong kanta na Oppa Gangnam walang humpay itong ipinapatugtog dahil sadya naming kasi talaga itong nakakaindak. Hanggang sa duimating ang oras na kami ay pinauwi na aking mama upang matulog na dahil ika-apat na pala ng umaga. =’)

Linggo, Disyembre 23, 2012

Linggo

Dear Diary,
          Ngayon ay araw ng Linggo at araw rin ito ng pamimili naming ni mama para sa pagdiriwang ng pasko kinabukasan. Paggising ko ay pinamamadali na nga ako ni mama para samahan ko siya sa Goldilocks at sa Cherry dahil sabi niya ay mamimili kami ngayon  n gaming ipanghahanda. Pagdating naming sa Goldilocks ay ang daming tao siksikan at ubusan na rin ng mga iba’t-ibang klase ng cakes nang kami ay pumunta naman sa Cherry ay ganoon din ang sitwasyon parehas maraming tao at ubusan ng mga pagkain. Di masyadong marami an gaming pinamili ngayon dahil masa gusto ni mama ay mas maging espesyal ang pagdiriwang ng Bagong taon. Pagkagabi ay naghiwa na si mama ng mga karne at tumulong rin ako upang mapabilis ang paggawa sumunod ay ako na ring ang naghugas ng aming pinggang pagkatapos kumain. Sa totoo lan ay di ko na mahintay ang bukas para lang kumain ng aming handa. Sa isang taon lan kasi kung ipagdiriwang ang pasko kung kaya’t talagang ipinaghahandaan ito ni mama. =’)

Sabado, Disyembre 22, 2012

Sabado

Dear Diary,
          Ngayon ay araw ng Sabado kung kaya’t mula sa aking pagkagising ay di maalis sa aking isipan ang antok at pagkapagod ko sa mga nakaraang araw kung kaya;t itong araw na to ay sadyang nakakaantok para sa akin -_- . Wala akong ginawa sa buong maghapon kundi ang matulog nang matulog Masaya naman ako dahil di ako pinapagalitan ni mama hinahayaan nga lang niya ako ee marahil siguro naiintindihan niya ako ! J Alam mo maswerte nga akong araw na to dahil puro pahinga lang ang ginawa ko oh kaya puro nuod sa telebisyon o kaya naman ay ang pagtetext sa aking mga kaklase dahil ang pasko ay sadyang nararamdaman ko na ! palapit na ng palapit ! nakakasabik na naman ang kumain ! at hihintatyin ko talaga ang araw na iyon. =’)

Biyernes, Disyembre 21, 2012

Biyernes

Dear Diary,  
          Yeheyyy !!! simula na ang bakasyon ngayong araw =;) makakapahinga rin akin g matagal-tagal pagkatapos ng ilang buwang pageeensayo ng sayaw ! ehehhe nakakapanabik ng gumala kasama ang aking pamilya at mga kaibigan. Panahon na naman ng pagtulong sa aking mama sa gawaing bahay nasimulan ko na nga kanina naglinis ako at naghugas para matulungan ko siya dahil alam kong pago na siya. Sana maging Masaya ang aking bakasyon ngayon . Makakapunta na rin ako ng Simbang Gabi kahit di ko na nakumpleto ay sana maintindihan ako ni Lord. Oh cxa diary maigsasaya muna ako ngayon dahil pupunta ako mamaya ng Riverbank. =’)

Huwebes, Disyembre 20, 2012

Huwebes

Dear Diary,
     Ngyong araw ang aming Christmas Party at sa totoo lan medyo hindi Masaya kakaunti lan kasi kaming nagsidalo pero kahit na ganun ay ginawa naman naming ang lahat para maging Masaya. Nagkaroon din kami ng pagsasalo sa mga pagkaing pinagambagan ng bawat isa. Pagkatapos neto ay nagpalitan na kami ng mga regalo eto naman talaga ang pinakahihintay ng lahat ee. Masaya nga ako ngayong araw dahil tatlong regalo ang aking natangap sa di inaasahan pare-parehas pa itong mga paborito ko si Domokun =’) kaya nabigla ako heeheh . Pagkauwi ko ay nagpicture ako sa sarili ko suot ang mga ineregalo sakin at pagkatapos ay natulog ako. Sigurado mamayang gabi ay masarap na naman ang aking tulog . =’)

Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Miyerkules


Dear Diary,
   Grabe !! eto talaga ang araw na pinakahihintay ko . Alam mo ba kung bakit ? ito kasi yung huling araw ng Cultural medyo halo-halong emosyon nga yung naramdaman ko ngayon eh. Una Masaya kasi manunuod yung mama ko at ate ko tapos kinabahan ako at yung huli malungkot kase mamimiss ko yung mga kasama ko sa Cultural lalo na un araw-araw na pageensayo naming para ditto. Pagkatapos nga ng Cultural tuwang-tuwa sakin si mama magaling daw kasi ako sumayaw =’) at Masaya din ako sa nagging reaksyon niya, pumunta rin kami sa Riverbank kasama ang aking mga kaklase sobrang saya naming kahit medyo nagtagal kami sa pagkain sa Chowking pero ayos lan kasi Masaya talaga. Ngayon paguwi ko pagod na pagod ako kaya magpapahinga na ako dahil panibagong selebrasyon na naman para bukas Christmas Party naming =’) hanggang ditto na lang muna.  

Martes, Disyembre 18, 2012

Martes


Dear Diary,
     Ito nga pala ang ikalawang araw ng Cultural namin =’) kaya sobrang Masaya ulit ako ngayon . Ang dami kong iniisip sa araw na to yun ang una ay gawin ang makakaya para sa aming performance sumunod ay  ang proyekto namin na minauture sa TLE at ang panghuli ay ang para bukas dahil huling araw na ng Cultural at ang mas nakakapanabik pa doon ay manunuod ang aking nanay at ang aking kapatid. Di na masukat ang tuwa na aking nadarama ngayon pa lang para bukas hinihiling ko nga na sana paggising ko ay Cultural na. Yun lang muna para sa ngayon diary ! magpapahinga na ako dahil napagod ako ngayong araw =’)

Lunes, Disyembre 17, 2012

Lunes


Dear Diary ,
     Ito talaga ang pinakahihintay na araw ng lahat at wala akong masyadong ginawa ngayon kundi ang maghanda para sa  unang araw ng Cultural at talagang napakasaya ngayong araw dahil  ginawa naming ang lahat at aming makakaya upang maging maayos ang aming ipipresenta sa aming mga manunuod. Sobrang masarap sa pakiramdam na makitang nasisiyahan sila sa aming sayaw at mas lalo kaming ginaganahan sa bawat palakpak at hiyawan na kanilang binabato para lang samin. Di pa nagtatapos ang araw ng Cultural dahil meroon pang pangalawa at pangatlong araw at  bawat araw ay nakakapanabik hanggang ditto na muna diary magpapahinga na ako para bukas ! =’)

Aklat-Taalarawan

Kami ay naatasan ng aming guro ng magsagawa ng aming aklat-taalarawan mula sa araw na ito.

Miyerkules, Disyembre 5, 2012

Mabangis na Lungsod

Ang kwentong Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg Reyes ay tungkol sa isang batang pulubi na hinarap na ang dagat ng buhay na magisa. Siya ay si Adong na isang pulubi sa labas ng simbahan ng Quiapo sa batang edad ay nakipagsapalaran sa ibang tao na kahit nahihiya at nasasaktan sa tuwing mamamalimos ay pinipilit pa ring gawin dahil siya ay wala ng magulang at upang meroong maipambili ng pagkain. ANg mga batang tulad niya ay hindi dapat nasa ganitong sitwasyon dahil karapatan niyang magkaroon ng magulang para siya’y alagaan, pakainin at proteksyunan.

Pangatlong Pagsusulit

Ito an gaming Ikatlong pagsusulit sa Filipino.

Sa Pula, Sa Puti

Ang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Rodrigo ay tumatalakay sa masamang epekto ng pagiging adik sa pagsusugal halimbawa ng pagsasabong. Naipakita ditto na laging humihingi ng pantaya si Kulas kay Celing upang mabawi niya ang kanyang talo ngunit palagi po rin siyang natatalo. Huwag nating ibaling ang ating sarili sa mga bisyo dahil napakaraming bagay ang maaring ipalit ditto. Libangin natin ang  ating sarili lalo na kung alam nating ito ay makakatulong upang mapaunlad an gating kakayaha.

Islogan

Ito ang aking ginawang Islogan na patungkol sa masamang epekto ng makabagong imbensyon sa ating lahat kung ito ay gagamitin lamang sa masama.

Banaag at Sikat

Ito ang sumunod na Kwentong aming tinalakay ang Banaag at Sikat nil Lope K. Santos ito ay patungkol sa dalawang magkaibang sina Delfin at Felipe na parehas meroon magkaibang pananaw at paniniwala sa buhay. Ang aking napulot na aral ay kalian man ang mga masasama at nangaapi sa sariling kapwa ay hindi magtatagumpay sa buhay dahil meroon tayong Panginoon na siyang nagpaparusa sa mga ito.

Pangalawang Pagsusulit

Ito naman an gaming pangalawang pagsusulit sa Filipino.

Unang Pagususulit

Ito ang aming unang pagsusulit sa Filipino.

Ang Kalupi

Ang kwentong Ang Kaliupi ni Benjamin Pascual ay tungkol sa maling pagbibintang ni Aling Marta sa batang si Adong. Inakusahan niya ang bata na siya ang kumuha ng kanyang kalupi dahil ito daw ay pasimpleng bumangga kay Aling Marta ng siya ay papunta sa pamilihan halata namang kaya niya ito pinagbintangan ay dahil sa panlabas na kaanyuan ni Adong. Hindi dapat tularan ang ugaling ipinamalas ni Aling Marta dahil para sa akin tayo ay walang karapatang manghusga ng isang tao lalo na kung hindi natin lubusang kilala ang kanyang tunay na pagkatao.

Larawan

Ito ang aming takdang aralin na kung saan kami ay naatasang gumupit ng mga larawan ng makabagong teknolohiya o imbensyon.

Hudyat ng Bagong Kabihasnan

Itong mga larawan na ito ay may kaugnayan sa panibagong tulang aming tinalakay ang  Mga Bagong Hudyat ng Kabihasnan na kung saan makikita amg masamang epekto ng mga bagong imbensyon na ginagamit lamang sa pangsariling kagustuhan.Ito ay bunga ng pagnanais ng kapangyarihan at simbolo bilang isang malakas na bansa. Na maaring dulot nito ay masira na ng tukuyan ang ating mundong ginagalawan.

Anak

Ang Kantang Anak ni Freddie Aguilar ay tumatalakay sa mga anak na mas ninais ang sariling pangkasiyahan at binabalewala ang payo at halaga ng magulang. Batay sa kanyang kanta ay napariwara ang anak at katulan sa tulang Luha at kwentong Alibugha ay ito rin ay nagsisi sa huli at kahit di nya na mababago ang kamaliang kanyang nagawa ay minabuti nyang ayusin ang kanyang buhay kasama ng kanyang pamilya.

Alibughang Anak

Ang kwentong Alibughang Anak ay hango rin sa Bibliya at ito ay may koneksyon sa aming pinagaralan na tulang Luha. Ito ay tungkol din sa bunsong anak kung saan mas ninais ang magsaya at iwan ang kanyang magulang at sa bandang huli siya ay nagsisi rin sa kanyang ginawa dahil wala na siyang ibang mapupuntahan. At dahil malalim ang pagmamahal at hindi matitiis ng magulang ang kanyang anak na maghirap ay ito’y kanyang pinatawad.
a; � a (.� 0�� span>

Luha

Ang tulang Luha ni Rufino Alejandro ay pumapatungkol sa bunsong anak na mas piniling iwan at ibaon ang mga iniwang payo sa kanya ng kanyang magulang bago sumahukay. Dahil sa kanyang maling desisyon ay siya ay napariwara at nalulong sa masamang bisyo kung kelan siya tumanda at hindi na maibabalik ang nakaraan ay tiyaka siya nalinawagan sa lahat ng kamaliang kanyang nagawa sa kanyang buhay at siya rin ay nagsisi bandang huli dahil wala na siyang magagawa pa sa lahat.


Martes, Oktubre 9, 2012

Pagtatapos ng Ikalawang Markahan

Tauhan sa Noli Me Tangere

Bago matapos ang Ikalawang Markahan ay aming natalakay ang mga tauhan at bida sa nobela. Aming inalam ang kanilang pagkakakilanlan, katangian at kinahantungan sa wakas ng nobela.

Noli Me Tangere

Ito ang aming huling tinalakay sa  pagtatapos ng Ikalawang Markahan ang Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal at inilathala noong 1887, sa Europa.Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Takdang Aralin

Ito ang aking takdang aralin kung saan kami ay naatasang hanapin ang mga katangian ng ilang karakter sa nobelang Noli Me Tangere at mga kinahantungan nila sa wakas ng nobela.

Mahabang Pagsusulit

Kami ay nagkaroon ng isang mahabang pagsusulit tungkol sa mga natapos na naming aralin kasali na rito ang bibliyography.

Pagwagay-way ng Tagumpay

Ito ang aking sanaysay sapagkat kami ay naatasan upang gumawa ng isang sanaysay tungkol sa pagabot sa tagumpay. Ang pag-abot ng tagumpay ay mahirap dahil maraming pagsubok na kailangang harapin, ngunit kailangan magpakatatag at humingi ng lakas sa Panginoon. Gawing inspirasyon ang mga bagay na nagpapahina sayo upang hindi ka magkaroon ng hinanakit pagdating ng panahon.

Martes, Oktubre 2, 2012

Islogan

Ito ang aking ginawang islogan patungkol sa pagkamit ng pagtatagumpay. Ang aking ginawa ay konektado sa akdang Sa Lupa ng Sariling Bayan.

Ngayon Pa Lang Tagumpay Ka Na

Kami ay naatasang maghanap ng kantang patungkol sa pagkamit ng tagumpay at ito ang aking pinilli

Naglalarawan ng Pagkamit sa Kalayaan

Ito ang aking iginuhit na patungkol sa pagkamit ng kalayang aking inaasam, ang nais ko ay makalaya sa pagsasalita o pagsabi ng aking dahilan sa tuwing ako ay pinapagalitan ng aking ama sapagkat sa tuwing ako ay napapagalitan ay wala akong karapatang magpahayag ng aking damdamin o ang aking dahilan dahil pag ginawa ko yun ay maari niya akong saktan.

Takdang Aralin

Ito ang aming takdang araling kung saan aming tinukoy kung anong pahayag ang nagpapakita ng pagkamit o paghahangad ng kalayaan.

Saan Patungo ang Langay Langayan


SAAN PATUNGO ANG LANGAY-LANGAYAN?

ni B. S. Medina, Jr.

Iisa lamang ang aking mithi. Ang makalaya sa kaalipinan. Pagkat alipin ako. 

Alipin ako ng aking sariling pagananasang guminhawa at lumigaya ngunit nababakla ang daigdig na sa wari'y lumalaki, at ako'y naiiwan tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat. Alipin ako ng sariling nangangambang di makarating sa paroroonan (ngunit saan?) gangga-binlid na sarili. Alipin ako ng aking sariling nagnananasang makatawid sa dagat ng pakikitalad na payapa kung minsan ngunit kadalasa'y maalimpuyo. Alipin ako ng sariling pagkat luwad ay makaluwad, pagkat ako'y sa tao ang puso, diwa at kaluluwa. (Ngunit hindi ba ako'y likha ng Diyos? At sa kanya iniwangis? Nasaan ang pagkawangis na iyon? Nasaan ang aking pagka-Diyos?

Ito ang aking mithi: Paglaya. 

At ako'y nagtatanong: Ano ang paglaya? 

Ang paglaya'y ang pagkakilala sa sariling kakayahang mabuhay sa daigdig ng kawalang-katiyakan, ang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng buhay (na di lagging katuwaan, ngunit di rin naman laging kapighatian). Ang paglaya'y ang pagkakilala sa maraming suliranin sa buhay at ang pagkatulong malutas ang mga ito. Ang paglaya'y ang pagkaunawa sa puu-puong kahulugan ng damdamin ng tao. Ang paglaya'y ito: ang pagkaunawa sa sarili at sa daigdig. Ngunit paano ko mauunawaan ang aking sarili? 

Sa salamin, ang larawan ko'y mistulang ako: naroon din ang buhok na dating malago, ngayo'y manipis, ang mukhang hawas na may guhit na ng hapis at kahapon, ang katawang dating matipuno'y mahagway ngayon. At sa kamalayan ay naghuhumiyaw na tanong: Sino ka? Nakikilala mo ba ang iyong sarili? Hindi! Oo! Nakikilala ko ang aking sarili sa kanyang hubad na larawan, ngunit di ko lubusang natatalos ang tunay na kalooban, pagkat hanggang ngayo'y gapos pa ako ng kahangalan, bigti pa rin ako ng karuwagan, alipin pa rin ako ng kasalanan. Wala sa akin ang pagkaunawa sa aking sarili, lubha pa sa kaninuman: ako'y hindi malaya at ngayon, akong dating maraming makamit, akong dating maraming nais marating, akong dating maraming mithiin sa buhay, ay may iisang pagnanais na lamang - ang makalaya sa kaalipinan. 

Hinahanap ko ang kalayaan, sa kapatagan, sa kabundukan, sa bayan, sa ilang na pook, sa lahat ng dako ng daigdig; sa hilaga, sa kanluran, sa timog, sa silangan; nariyan sa alinman diyan ang kalayaang hinahanap ko. Alam ko: Ang kalayaan ay nasa lahat ng dako. Ito'y tila hanging malayang malalanghap (ngunit may pumipigil sa aking paglanghap): ito'y tila hanging malayang madarama (ngunit mukha ko'y namamanhid). Paano ang malayang paglanghap ang malayang pagdama, paano? 

Sa salamin ay naroon ako. 

Ako'y lalaking tinukso ng pagkakasala sa pamamagitan ng nilikhang sa tadyang ko nanggaling. Bakit nangyari ito, sa akin ang buong Paraiso; walang hapis, pawang ligaya. At nang ito'y naganap, nawala ang ligaya, nahalili'y hapis. At ako'y napahiya sa sarili, unang-una. Tumingala ako. Sa kabughawan, sa bunton ng mga ulap, hinanap ko ang Maykapal, ngunit wala siya. Inulilig ko ang kanyang tinig, ngunit biningi ako ng katahimikan. Nasaan ka, Diyos ko? Bigla-biglang sinaklot ng pangamba at agam-agam ang aking katauhan. Mawawala na sa akin ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. At nang bumaba ang Serafin, batid kong tuluyan nang nawaglit para sa akin ang Paraiso: Hindi na ako malaya: pagkat alipin na ako ng aking sariling pagkasala. 

Sapul noon ay hinanap ko ang kalayaan. 

Buhat sa Paraiso, ako at ang aking katambal ay may tataluntuning landas sa paghanap ng kalayaan ng dating kaginhawaan at kaligayahan, ngunit saan? Di ba tanging Paraiso lamang ang katatagpuan ng walang-katapusang ligaya? Sa kabughawan ng langit ay naroon ang nagsasalimbayang mga langay-langayan. Nakikita ko ang langkay-langkay na mga ibon sa kanilang paglipad. Ngunit saan patungo ang langay-langayan? At ako, kasama ang sa aki'y nagbuhay, katulad ng langay-langayan, ay saan patungo? Saan masusumpungan ang ligaya at ginhawa, ang kalayaang sa wari'y tuluyan nang nawaglit? 
Ito ang natitiyak ko: habang may buhay , ako'y ako rin: ang tao. At saka ito: ang patutunguhan ko'y walang katiyakan, pagkat inilulunsad ko ngayonang aking daong sa dagat ng pakikitalad; pagkat sa akin at sa kasama ko ay pinid (matutuluyan kayang pinid?) ang Paraiso. 
Ang daigdig ay totoong malawak: hindi masundan ng aking paningin ang haba't luwang nito. Batid ko na kung makalalagos ang aking paningin sa tinutuntungan kong lupa'y hindi maaabot ng tingin ang lalim nito. Sinlawak ng kalupaan ang karagatan. Ang dagat ay tubig. Sinasabing ang tubig ay kristal na napananalaminan. Marahil sa pagiging kristal nito'y makikita ko ang pusod ng dagat, makikita ko ang kagandahang itinatago niyon. Subalit hindi: ang dagat ay singhiwaga ng lupa. Sumalok ka ng tubig, magagawa mo't masasalat ang kanyang kanipisan, ngunit sa kabila nito'y hindi mo makikita kung ano ang inililihim sa ilalim. 
At nauunawaan ko. Mahiwaga ang daigdig, at ako, kasama ang sa aki'y nagbuhat, ay maglalakbay sa dagat ng pakiktalad nang may isang mahalagang bagay na nababatid: kahiwagaan. Kaya marahil hindi ko maware ang sarili: kaya marahil hindi ko nakilala ang tunay kong kaakuhan, pagkat nababalot ng hiwaga ang Tao. 
Maganda ang sikat ng araw. Nadama naming ang init. Sumalab sa balat. Sumilong kami sa ilalim ng malalabay na sanga ng unang punong aming natagpuan. Saka lamang kami nakadama ng bahagyang ginhawa. Ngunit pagod na kami. Masakit ang aming mga paa. May galos at paltos na ang aming mga talampakan. Nakadama na kami ng sakit. Wala na nga kami sa Paraiso: doon, ang nayayapaka'y alpombrang malambot, maginhawa. Wala na, wala na kami sa Paraiso. At ngayong tumatagal ang aming inilalagi sa labas na iyon ay nakadarama na kami ng uhaw. Nanunuyo ang aming lalamunan. Patuloy ang paggiti ng saganang pawis. At kumakalam na ang aming sikmura. Ngunit anong hiwaga! Ang punong kinatitigilan namin ay may bungang nakabitin. ("Huwag ninyong kakainin ito." Walang gayong tinig kaming naririnig. Gaya noong makalimot kami.) iniabot ko yaon: ngunit mataas ang sanga, hindi kayang lundagin. Kailangan kong akyatin ang puno. Ito ang pakikitalad, ito ang pakikipamuhay, ito ang kaalipinan. Pagkat alipin na ako ng aking sarili. Ng daigdig, ng buhay. Hindi na ako malaya. 
Noon nagbagu-bago ang anyo ng araw - naroong sumilip, sumikat, kumubli. At nagbagu-bago ang kulay ng langit - naroong bughaw, abuhin, itim. At noon nagbagu-bago ang hampas ng hangin - naroong mayumi, masungit, mabangis. Ang mga ito'y tanda ng kawalan ng katiyakan ng anumang bagay sa daigdig. Ito ang kahiwagaang bumabalot sa lahat ng nilikha. 
Noon ko nadama ang puu-puong damdamin. Mga damdaming kay hirap unawain: ito ay kaalipinang pinagdurusahan ng sarili. Gayundin ang nadarama ng katambal ko. Sinimulan naming pagtuwangan ang pakikipagsapalaran, gumawa kami ng masisilungan laban sa init at lamig, laban sa sungit ng panahon at kalikasan. Gumawa kami ng damit laban sa init at lamig, sa panahon at kalikasan. Ngunit ano itong pakikipagtunggali sa kalikasan? Di ba't sa kalikasan kami nabubuhay? (Ito, ito ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan - nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda, nagbibigay-halaga. Pagkat hindi ba kapag may hiwagang nais liripin, kumikilos ang mga tao, nagpupunyagi? Ang pagsisikap na ito ang pintig ng buhay na lumilikha ng kulay, ganda, at halaga.). 
Akong Tao at ang katambal na sa tadyang ko nanggaling ay magkasama habang may buhay sa daigdig. Magkasama kami sa pakikipagtunggali. Pagkat siya rin ang kasama ko sa Paraiso. (Noo'y pawing ligaya!) Ngayon ay hindi ko matingnan ang katawan ng aking katambal. Hindi ko na matitigang matagal ang hubog niyon, pagkat nagdadalang-hiya ako. Ngunit may nadarama akong kakaibang damdamin, hindi yaong pag-ibig na mapagkupkop, malambing, magiliw, kundi mabangis, mapilit, maalab. Gayundin marahil ang nadama ng aking katambal. Kasabay ng damdaming iyon ang kamalayang dadalawa lamang kami sa daigdig ("Hayo at magsupling!") kailangan naming ng kasama. Nasaan ka, manlilikha! Nasaan ka, Diyos! Narito! Narito! Nasa aking sarili: ako ang manlilikha, ngunit sa aba ko, hindi ako ang Diyos! Ito ba ang bahagi ng pagka-Diyos sa akin? Ang damdaming nadarama ko? Ito na ang pag-ibig sa kanyang lalong makabuluhang katuturan: maalab, mapilit, mabangis! 
Ang ikalawang salin ay sa damdaming iyon nagbuhat. Sa ganyan ding damdamin magbubuhat ang iba pang salin. Ang lahat at lahat ay sa damdaming iyan magbubuhat. At ako, na Tao, at siya na katambal ko, ay nagsupling: supling at supling: salin at salin. Ito ang kahiwagaan ng paglikha sa Tao: kayraming kawangis, kahawig: kayraming kawangis ng Diyos, kayrami niyang binigyan ng bahagi ng kanyang pagka-Diyos. Hindi mapupuwing ang katotohanang itong napasaakin: ang pag-ibig ay bahagi ng Diyos na isinapi sa Tao. 
Kayraming tao sa daigdig. Kayrami kong kawangis, kayrami kong kawangis, kayrami kong larawan. Dumarami ang sakay ng daong naming nakalutang sa dagat ng pakikitalad at saka nahasik ang iba-ibang damdaming taglay ang hiwaga ng pakikipamuhay. Ang katapat ng pag-ibig ay nabigyang-tiis, naging poot, at saka nag-usbong ang pakikipagkaisa o pagbukod, pakikipagtalik or pakikipagalit. Sumibol ang pakikipag-unawaang naging pakikipag-digmaan. 
Ito ang hininga ng buhay: ang pagtigil sa daigdig na ito ay isang malaking pakikipaghamok, buhat sa Paraiso'y napalutang na ako, kasama ang sa aki'y nanggaling, sa dagat ng pakikitalad. Ngunit ano itong pakikipaghamok - pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig? Ito'y pakikipaghamok sa sarili o sa daigdig. Nababatid ko, sapagkat nadarama ko rin ang iba-ibang damdaming nasaksihan kong nagpagalaw, nagpakilos, sa aking mga supling sa lahat at lahat. Sa Tao. 
At habang umiinog ang araw - sumisilip, sumisikat, kumukubli ay nadarama ko ang pagbabago: nasaksihan ko, naririnig ko, nalalanghap ko. Ang mga pagbabagong lalo't laong naglalayo sa akin sa Paraiso. Nawawala, nawawala nang tuluyan wari ang Paraiso, at ako'y tila ganap nang magiging alipin ng aking sariling nagkasala (ulit-ulit kong sinasabi: Diyos ko, Diyos ko, subalit ang taghoy ay walang tinig.). 
Nagbabago na rin ang tanawin. Marami nang gusaling naitayo: bato, kahoy, putik. Ang kapatagan ay pinarikit ng mga halamang tanim ng mga Tao. Ang kagubatan ay unti-unting nahahawan. Subalit Diyos ko, ako man ay nagbabago; nawawala ang dating lakas - tumatakas, tumatakas. Ngunit kailangang maikulong ko sa aking kalamnan ang lakas upang tumibay ang katawan ko sa pakikitunggali sa buhay. 
Marami-marami na ang aking mga supling: marami na ang tao. Lumalawak ang sakop ng tao. Ang mga pook-pook ay sumisikip: sa malas ay lumiliit ang kalupaan ngunit kabalintunaan, lumalaki, lumalaki ang daigdig, pagkat nabibigayan niya ng lunan ang lahat. (Ito ang kahiwagaan ng daigdig: may puwang sa kanyang kaliitan ang lahat na parami nang parami: lumalaki, lumalaki ang daigdig at akong Tao ay naiiwang tila butil ng buhanging makapuwing ma'y di makasugat: pagkat alipin. Ang tinig ko'y walang lakas pagkat wala akong laya, taghoy ko'y walang tinig.
Sumilang ang mga bayan-bayanan. Nakalikha ang mga tao ng mga wika at paraan sa pagsulat, natutuhan ng mga supling ko ang mga makipag-unawaan sa isa't isa sa pamamagitan ng salita (sari-saring salita) at sulat (sari-saring sulat). Subalit dahil din sa pagkakaibang ito'y ng-uugat ang di-pagkakaunawaang pagkat nawawala ang tatak ng pagkakaisa. Isa pa ring kabalintunaan: bumuo ng salita upang magkaunawaan, ngunit siyang salita ring dahilan ng di-pagkakaunawaan. Bakit ganito? Pagkat sumipot ang pagkakani-kaniya, sumibol ang pagkamakasarili. Ito'y mga tanda ng pagkagapi, ng pagkatalo, ng sarili: napaalipin nang lubos ang tao sa sariling nagkasala, hindi, hindi nga ako malaya! 
Nagkaroon ng sariling ari-arian ang tao. May mga kasangkapang tanging kanila, walang makakagalaw. Gaya rin ng karapatang kumilos, lumakad, manahanan, mabuhay na hindi dapat sansalain. Ito'y ipagtatanggol hanggang sa magtigis ng dugo at kumitil ng buhay! May mga kagamitang kanya: iilang malapit sa puso lamang ang makagagalaw. Dito nagbinhi ang inggit at pag-iimbot, pagkat may mga taong nagnanais na magkamit ng ari ng iba. Kung may mga supling akong mapanarili, mayroon pa ring naging mapagkamkam. 
Sa salamin ay minasdan ko ang aking larawan, pagkalipas ng maramin-maraming panahon. Nahahapis ako, may pilak na ang aking buhok.


Saan Patungo ang Langay Langayan ?  ni Medina Jr. ang sumunod na akdang aming tinalakay. Ito ay patungkol sa pagkamit ng kalayaan sapagkat siyang inalipin ng maraming bagay.

Pagbibigay ng Sariling Wakas

Ang binigay na Gawain sa amin ay bigyan ng sariling wakas ang akdang Bagong Paraiso. Ang aking ginawang wakas ay kahit na hirap ang dinanas nina Cleofe at Ariel sa kinahinatnan ng kanilang pagsuway ay pinilit nilang magkasintahan na magsumikap at magkaroon ng pagahon sa buhay upang sa hinaharap ay tanggapin at patawarin muli sila ng kanilang magulang.

Takdang Aralin

Ito ang aming takdang aralin kung saan tutukuyin naming kung ang mga pangyayari sa akda ay pawing katotohanan. Ang aking sinagot ay oo sapagkat para sa akin ito ay nangyayari sa tunay na buhay lalo na sa panahon ngayon. Maraming kabataan ang nakikita kong mas inuuna ang pakikipagrelasyon at hindi ang pagaaral. Mas nais ng kabataan ngayon ang pagiging malaya at nagsasaya lamang lahat sila ay tumatakas sa katotohanan na ang lahat ng bagay ay may limitasyon at kahit na masarap ang bawal dapat nilang isipin kung ano ang magiging kinahihinatnan kung ang gusto nila ang kanilang susundin.

Naglalarawan sa pamagat ng Bagong Paraiso

Kami ay naatasang gumuhit ng isang larawan na magpapakita sa pamagat ng Akdang Bagong Paraiso. Ang aking ginuhit ay magpapakita na ito ay konektado sa pamagat sapagkat ito ay parang isang paraiso na tahimik at mapayapa ang pamumuhay katulad nung bata pa sila Cleofe at Ariel na walang inaalalang problema at masayang naglalaro lamang. 

Bagong Paraiso

Sa Bagong Praiso ang sumunod na akdang aming tinalakay ni Efren Abueg. Ito ay patungkol sa dalawang magkasintahan na pilit kumakawala sa gusto ng kanilang magulang na sila ay paghiwalayin. Ito ay isang teoryang Romantisismo spagkat ang mga tauhan ditto ay tummtakas sa katotohanan at makikita sa akda ang mga kalikasan at kapaligiran na ginamit. Masarap ang bawal ika nga ng iba ang akdang ito ay tumatalakay sa paglabag sa magulang upang matupad ang mga ninanais na pangsarili. Ang aking natutunan sa akdang ito ay kailangan sumunod sa ninanais ng ating magulang para sa atin sapagkat tinutulungan nila tayo para sa ating kinabukasan dahil walang magulang ang magnanais na mapariwara lamang ang kanyang anak.

Sa Lupa ng Sariling Bayan

Ito ang akdang isinulat ni Rogelio Sikat ito ay patungkol kay Layo kung saan siya ay nagging matagumpay sa karera ng kanyang buhay ngunit meroon hinanakit sa mga taong kumupkop sa kanya noon. Ang aking natutunan sa akdang ito ay huwag damdamin ang mga hinanakit bagkus ito ay gawing inspirasyon na lamang upang makamit ang mga minimithi at mga pangarap sa buhay.

Sabado, Setyembre 22, 2012

Ikaw Na Nga

Ikaw Na Nga ang aking tulang ginawa na may temang tungkol sa pagibig. Ang tulang aking ginawa ay may salitang ginamit tungkol sa kagandahan ng kapaligiran at kalikasan. Sa pamamagitan nito ay napapahayag ko ang emosyong aking nadarama. 

Kanlungan

Ito ang awiting kanlungan ni Noel Kabangon. Ito ay napakagandang awitin para saakin sapagkat may halong kalungkutan ang aking nadarama sa tuwing ito ay aking pinapakinggan.Mapapansin ditto sa awiting ito na punong puno ito ng salitang may kaugnayan sa kalikasan at kapaligiran hindi tuwirang sinasambit ang tunay na nararamdaman dahil ang kapaligiran o kalikasan na mismo ang nagpapahayag kung ano  ang emosyong nais iparating at ang kanlungan  ay katulad din ng tulang Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos.

Bisang Pangkaisipan at Pandamdamin

Ang bisang Pangkaisipan na nagbago sa akin matapos naming talakayin ang sa tabi ng dagat ay ginagamit ang kagandahan ng kapaligiran at kalikasan upang mas maging masining ang tula at mas maging romantiko. Sng nagbago sa aking pandamdamin ay kasiyahan para sa magirog sapagakat Masaya silang nagsasama at may halong kalungkutan sapagkat alam nila na ang lahat ng bagay ay may hangganan at katapusan katulad ng puso at ang kanilang nararamdan para sa isa’t-isa.

Sa Tabi ng Dagat

Sa Tabi ng Dagat  ni Ildefonso Santos ang pangapat na akdang aming tinalakay. Ito ay patungkol sa magirog na magkasama sa tabi ng dagat at ito ay may teoryang romantisismo sapagkat ang tulang ito ay may salitang kaugnay sa kapaligiran at kalikasan.

Bisang Pangkaisipan at Pandamdamin

Ito ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa Dikada Sitenta. Ang nagbago sa aking isipan pagkatapos naming itong matalakay ay mahalaga talaga ang pagkakaroon ng pamilya sapagkat lagi silang nariyan para sayo at makikinig sa lahat sa lahat ng iyong problema.Ang nagbago naman saking damdamin ay malungkot sapagakat hindi man lang nakamit ni Jules ang katarungang kanyang ninanais para sa kanyang itinuturing na kapatid na si Wily.

Ang Aking Pinagmulan

Ito ay isang sanaysay na aking ginawa. Ang pamagat nito ay Ang Aking Pinagmulan. Ang sanaysay na ito ay patungkol sa aking pinakamamahal na ina sapagkat sa kanya ako nagmula siya ang nagaruga, nagalaga,umiintindi,nagmamahal sakin, siya rin ang gumagawa ng gawaing bahay na kahit siya ay pagod ay di pa rin niya nakakalimutang maglambing saakin. Siya ang nagsisilbing ilaw n gaming tahanan at siya ang may dahilan kung bakit ako lumaking may pusong mammon at maawain sa kapwa ko. Lubos ang aking pasasalamat sa kanya at di matutumbasan ng anumang bagay sa mundo ang kanyang ginawa para sakin. Siya ay walang kapantay at nagiisa para sa akin.