Sabado, Marso 16, 2013

Himala ni Ricardo Lee


Ang Himala ni Ricardo Lee ay tungkol kay Elsa na pinaniniwalaan sa palabas na nakita ang bireng Maria ngunit dahil sa may pinagdaan ito at may sakit sa iba ay sinasabing siya ay nagsisinungaling. Tumatak sa palabas na ito ang kasabihang “walang himala nasa puso ng tao , nasa puso nating lahat”

Himala

Ang awiting Himala mula sa Rivermaya ay kaugnay sa aming tinalakay na palan=bas Ang Himala ni  Ricardo Lee.


Gawain

Ang Gawain na ito ay may kaugnayan sa aming tatalakayin na kung paano gumawa ng isang movie rebiew dahil nga aming proyekto sa Filipino ay isang short film na kinakailangan naming gawan ng isang movie rebiew.


Imahe ng Bagong Pilipina

Ang pamagat ng aking salaysay ay Imahe ng Bagong Pilipina. Pamagat pa lang ay tungkol na sa mga pilipina sa bagong henerasyon. Mababasa rito ang pinagkaiba ng babae sa noon at ngayon. Mababasa rin rito kung paano nagtransporma ang dating mga nilalapastangang mga pilipina sa isang palaban at matatag na babae. 


Pagtitiis at Kahirapan sa Likod ng Tagumpay

Ito ay patungkol sa kwento ng aking pinsan na nagtiis sa hirap na dinanas ngunit nagpakatatag sa hamon ng buhay. Alam naman natin na ang responsibilad ng ating magulang ay tayo ay pakainin, alagaan at kung maari ibigay sa atin ang  lahat ng ating pangangailan sa araw-araw kasama na rito ang pagaaruga at pagmamalasakit ng isang ina. Ngunit lahat ng ito ay kabaligtaran sa nagyari sa aking pinsa. Aam ko di mawawala ang galit na nabuo sa kanyang puso sa kanyang ina at sa aking pananaw ay meroon siyang karapatang magalit ngunit mas masarap sa pakiramdam kung ikaw ay walang kagalit at mas Masaya mabuhay kung ang lahat ng nagkasala sa iyo ay kayang mong patawarin at magsimula muli ng panibago.


Kalayaang Hinahangad

Sa salaysay na ito ay dito ko nilahad ang aking nais sabihin o iparating sa ating pangulo tungkol sa mga kaguluhang nagaganap sa ating bansa partikular  sa Mindanao kung saan ang gulo ay walang patid. Masama ang epekto nito sa mga taong naninirahan malapit sa gulo at dahil na rin sa tensyong dala nito. Mas nais natin ang kaligtasan ng bawat isa at itoy makakamtan sa maayos na pakikipagusap at pagtutulungan. Ang gawaing ito ay konektado sa akdang Bangkang Papel na maing pinagralan.


Bangkang Papel

Ang Bangkang Papel ay tungkol sa isang batang lalaki na di nasubukang magpaagos ng bangkang papel sa tubig dahil sa napatay ang kanyang ama. Namulat ako sa mga epektong dulot ng mga nangyayari sa kapaligiran sa mga taong nakatira rito. Kung ang ating bansa ay masalimuot at magulo marahil wala ng magnanais pang tumira rito dahil lahat ng tao gustong mamuhay ng payapa at tahimik. Nakakapekto ng lubos ang mga gulong nakikita ng isang bata sa kanya maari itong magdulot a kanya ng trauma at nerbyos sa tuwing makakarinig ng putok at kung anu pa man.


Tips

Ang asignatura na ito ay nakasaad ang mga dapat isaalang-alang sa pagkuha ng kurso dahil ang pagpili nito ay dapat pinagiisipan ng husto at di agad-agad. Maraming masasayang kung maling kurso ang mapipili na taliwas naman sa abilidad at talento.


Biyernes, Marso 15, 2013

Mga Kursong Nais

Ito rin ay aming takdang aralin , isusulat naming ang mga nais naming kurso baling araw. Medyo wala pa talaga akong ideya sa aking kukuning kurso buti nga yun iba kong mga kaklase ay alam na nila ang nais nila samantalang ako ito wala pa ring maisip. Ayyss siguro may tamang raw at panahon diyan.


Positibo at Negatibong Paguugali

Ito ang aming takdang aralin ito ay may koneksyon sa aming tinalakay na Ang Pamana. Isinaad ko rito ang  mga positibo at negatibong paguugali meroon ang aking mhala na ina. 


Ang Pamana

Ang Pamana ni Jose Corazon De Jesus ay patungkol sa isang ina na dala ng katandaan ay inahahabilin na mga pamana nya sa kanyang mga anak. Ang aking natutunan sa tulang ito ay napakahalaga na magkaroon ng isang mapagmahal na ina ito ay isang kayaman na walang katumbas. Ang kanilang pagmamahal sa atin ay walang kupas at walang hanggan ang problema nga lang di natin ito pinapansin at pinapahalagahan. Natutunan ko rin na habang may oras pa ay kailangan kong maparamdam sa aking ina kung gaano ko siya kamahal at kaimportante dahil alam kong di ko na mababalik ang oras na aking sinayang. 


Hayahay na Naman !


Dear Diary,
                Yun Ohh ! last day na ng exam ngayon hayahay na naman ang 3-1 feeling nga naming bakasyon na sa lunes pero bawal pa muna kelangan pa kasing pumasok! Medyo nakakatamad na kasi alam ko wala na kaming gagawain nyan pero ok na rin dagdag baon rin yan oh diba ? medyo nakakalungkot na nga ehh ! bakasyon na at ang malupit nun 4th year na kami sa susunod na pasukan kabado na naman ako nyan panu ba naman bagong guro, bagong katabi at bagong pagsubok sa aming lahat. Masang natapos ang araw naming ngayon kasi nagkaroon ng maikling program para parangalan ang mga gumanap sa aming proyekto sa Filipino at ang nakakatuwa isa ako dun ! J paguwi ko nga ng bahay ay tuwang-tuwa sa akin ang aking mama napawi daw lahat ng pagod nya ng dahil lang sa isang medalyang aking natangga. Mas agresibo tuloy akong makatanggap ng  mga medalya kasi ang sarap sa pakiramdam na may napapasaya akong tao dahil lang dun. Kaya ito ang aking premyo ay nag-computer ako ng matagal na oras hahha ! =;) 

Huwebes, Marso 14, 2013

TIWALA LANG ! Makakapasa AKOoo !


Dear Diary,
                Unang araw ng pagsusulit kamusta kaya mga sagot ko dun ?!  wahahh sana naman magbunga ang pagpupuyat ko sana naman makapasa ako at sana naman mataas makuha ko dun! Eto pagkauwi tamang update lang muna sa aking blog pagkatapos ay pahinga mode saglit at aral ulit last day na bukas ng pagsusulit at medyo mahirap ang asignatura para bukas lalo na ang MATH ! ohh my God ! pero sabi nga nila TIWALA LANG ! kaya yun tiwala lang sa pagkakbisa ng mga formulas (sana matandaan ko pa !) =’))

Miyerkules, Marso 13, 2013

Ramdam na ang Pagpapaalam !


Dear Diary,         
                Grabe ang mga eksena kanina sa klasrum ! halos nagpapaalam na saamin ang iba naming guro nakakalungkot isipin pero ganun talaga may mga bagay talagang kelangang matapos para makapagsimula ng panibago! Lalo na si Gng. Mixto ! inisa-isa talaga nya kami haha grabe ang sabi nya sakin pero totoo naman talaga =’)) masaya talaga ako na naging guro ko silang ngayong ikatlong taon
! Pagkahapon naman interview ko kay Bb. Tayamora kabado much talaga ! full English pa mga sagot ko haha pwede naman pa lang magtagalog pero ok na yun para matutuo rin ako ! Medyo ok naman ang mga sagot ko (I wish) sana tugma lahat sa tinatanong nya. Hapon na kami nakauwi kaya pagkauwi ko pahinga unti at ratrat na naman sa paggawa ng TLE at aral mode NA NAMAN !! nang matapos naman ako pahinga naman ang inatupag ng mata ko !

Martes, Marso 12, 2013

Ayoko na TALAGA !


Dear Diary,
                Ayyss grabeng pasakit tong TLE ! ngayon naman ang aming Gawain ay kelangan meroon kaming larawan at gagawan namin ito ng sariling frame ! nakakapagod rin palang magisip kung anung kolerete ang ilalagay mo ! kaya yun gabi na naman natapos ang Gawain pagod na pagod na ako pero kelangang manatiling gising ! kelangan pa kasing mag-aral halos kakaunti pa kang ang nababasa ko eh may pito pang asignatura ayys grabe na itey !! @.@ nang matapos na akong magaral ay ayun sa wakas si mama na mismi ang nagsabi na “matulog ka na anak ! baliw ka ba ?! anung oras na oh ? paniki ka na pala ngayon ?! “ kaya yun GOODNIGHT ! =’))

Lunes, Marso 11, 2013

Hala lalala Exam na naman !


Dear Diary,
                Pagkagising ko ay dali dali kong ginawa an gaming takdang aralin sa TLE kelangan kasing gumuhit ng kahit anong larawan anong oras na nga ako natapos hahaha bagal much kasing kumilos. Pagkatapos ko naman gumuhit ay nagaral ako kagad panu ba naman counted na ! ilang araw na lang exam na naman !! ayss kabado na naman ang PEG ! kahit hating gabi na go pa rin kasi huling pagsusulit kaya kelangang ulit muli sa umpisa. Nung napagod na ako ayon tulog naman ang inatupag !

Linggo, Marso 10, 2013

Linggo Again!


Dear Diary,
                Linggo na naman ! ayss katamad much naman this day ! >.< kaya yun puro higa, kaen at tulog lang ginawa ko ngayong araw ! Sabi nga ni papa sakin para daw akong kalabaw na buntis gusto lang lagging nakahiga. Ganun talaga pagod much kasi netong mga nakaraan kaya bawi lang ngayon !

Sabado, Marso 9, 2013

Sa Wakas !


Dear Diary,
                Maaga ako nagising ngayon dahil pupunta ako kela Robles dahil kelangan naming tapusin ang pag-paint dun sa canvas ! hapon na ako naka-uwi at pagkauwi ko naman ay medyo inayos ko ng onti ang aming proyekto ulit wala na akong masyadong ginawa ngayong araw ! =’))

Biyernes, Marso 8, 2013

NAKAKAASAR !!


Dear Diary,
                Ayys ! paktay kami nito ngayon kay Sr. Espina panu ba naman wala kaming frame kaya yun ang parusa samin ay kelangan may mapakita kaming frame ngayon sa kanya mamaya. Halos mamatay-matay na ako sa paglakad papunta sa bahay nila Molina ang layo kasi at pataas pa ang daan ! Buti na lang may naipakita kaming frame kay Sr. Espina at yun nakahinga na rin ng maluwag ! paguwi ko natulog at nagpahinga na din ako sa wakas ang sakit kasi sobra ng aking mga paa ! ang haba nga tulog ko ehh ! among oras na din ako nagising ! =’))

Huwebes, Marso 7, 2013

Kaasar naka-miyembro !


Dear Diary ,
                Palpak na SIP ! nakakainis naman si Flaviano pano ba naman sabi nya gagawa kami ng SIP ngayon kaya nga buong maghapon lang kaming nakatambay kela Funcion kasi sabi  nya susunod na lang daw sya sa amin ! kaya yun umuwi na lang kami alam ko namang ang uwi ay ako na naman ang gagawa nito magisa ayys nakakasawa na ! ako na lang ang lagging nangunguna sa paggawa n gaming SIP edi sana nagsolo na lang pala ako sa project ganun din pala ang labas !!  Sa awa naman ng Diyos ay natapos ko ito at agad agad kong pinagpatuloy ang proyekto naming sa English halos napagod na ang aking mga kamay mismo ang utak ko na ang naguudyat na matulog na ako pero di ako nagpapigil kaya 1:30 am na ako natulog ! puyat na puyat na ako grabe pero ok lang kasi tapos ko na din siya sa wakas ! =’))

Miyerkules, Marso 6, 2013

Yun Ohh !


Dear Diary,
                Yes sa wakas nafinal ko na ang aking mga idea sa pagdesign ok na ! kaya buong maghapon opps di lang pala hapon kundi buong magdamag kong ginawa ang aming proyekto ayys halos 1 am nako natulog pero ayos lang ang importante naman ay natapos ko na ito ! =’)

Martes, Marso 5, 2013

Anu ba naman !?


Dear Diary,
                Yun oh !  maayos na din yung aking napaprint sana naman magawa ko ito ng maayos ! Yun nga lang ginawa ko nga pero di  ko naman nagustuhan naguguluhan na ako sa pwedeng maging design para rito ! nakakaloka talaga ulit na naman tuloy ako sa pagprint  ng mga to ! pagkatapos naman nito ay natulog na ako !

Lunes, Marso 4, 2013

Epic Fail !!


Dear Diary,           
                Epic Fail ! kaasar ulit tuloy ako sa pagprint n gaming project sa English kaasar na much ! kasi naman hinahayaan lang nila akong gumawa nun ! aysss .. kung pwede lang tong di gawin ehh ! Pagtapos ko naman ditto ay nagcompile na ako ng aming portfolio sa MAPEH ! Masaya na rin kahit papaano dahil kumpleto ko ang aking mga activities wahahh ! nang matapos naman ako ditto ay nagpahinga na ako !

Linggo, Marso 3, 2013

Pagod MUCH !


Dear Diary,
                Hayys an gaga ko talagang nagising ngayon ba naman tambak as in ang mga Gawain ko this day ! kaloka much ! Nagsulat ako ng isang katerba sa Chemistry, Values at Mapeh pagkatapos naman itech ay pumunta kami kela Tita dahil kaarawan ngayon ng aking Tito nagpa-bless nga rin sila ng kanilang bahay eeh. Pagkatapos nito ay kainan na syempre ! nang makauwi naman ako ay ginawa ko na ulit ang aking mga Gawain ! =’))

Sabado, Marso 2, 2013

Grabehan na to !


Dear Diary,
                Ay nakakatamad talaga ngayon parang ayaw ko kumilos. Kaya yun punta punta din sa SM ngayong hapon ! bumili ako ngayon ng mga gagamitin ko para sa project namin sa English halos inabot ng 200 pesos ang nagastos ko sa National Bookstore ! grabey ! makawaldas talaga ako walang hanggan ! Pagkauwi ko ay nagkompyuter na muna ako saglit para sa ipapaprint ko sa lunes. Nang matapos naman nito ay gumawa ako n gaming takdang aralin sa kung anek-anek ! =’))

Biyernes, Marso 1, 2013

Bawi lang YAN !


Dear Dairy,
                Ngayon ay Biyernes !! YES !  pahinga ang aking modek ngayon bawi-bawi lang sa mga puyat ko nang mga nakaraan. Mahaba ang tulog ko ngayon panu ba naman halos ala-siete na ako namulat ! ay sarap ng buhay ko ngayon hahha ! =’))

Huwebes, Pebrero 28, 2013

Unlie na S.I.P !


Dear Diary,
                Pag-uwi ko ay ginawa ko ang aming SIP sa Chemistry  ang hirap na naman neto ! medyo kaloka na nga eh panu ba naman naka-ilang epic fail nato kay Maam Manlagnit nakakasawa na tuloy na paulit-ulit ayys -.- Pagkatapos ko naman ay gumawa na naman ako ng aming report para bukas sa English. Nagsearch ako kasi pano ba naman sakin na naman nakaasa yan hay naku naman talaga ! Next Up naman kinabisado ko ito halos anung oras na nga ako abutin eeh medyo mahaba kasi nang matapos ko na ang lahat ng ito ay nagpahinga na rin ako sa WAKAS !! =’)

Miyerkules, Pebrero 27, 2013

Go MOBS !


Dear Diary,
                Eton a talaga ! nakakapagod na araw ito grabe halos inikot naming ang bawat room ng school para sa Campaign at eto pa inulit namin lahat ng room kaya ang sakit talaga ng mga paa ko kakalakad. Pag-uwi ko naman ay natulog ako  dahil 6 pm na kami nakauwi. Kahit pagod Masaya naman kasi nakikita mo yung mga estudyante na Masaya rin kaya napapawi nun lahat n gaming pagod. =;))

Martes, Pebrero 26, 2013

SSG Electon na naman !


Dear Diary,
                Hay naku ! talagang maghapon ako ngayon sa eskwela dahil ngayon ay pagpaplan opera sa SSG bukas kasi an gaming campaign sa bawat klassrum nakakapagod na naman yan for sure !! pero ayos lang Masaya naman ehh . Paguwi ko kumain ako kagad at nagpahinga na din dahil nakakapagod ang magpraktis n gaming jingle para bukas. Paggising ko naman ay nagsulat ako at gumawa ng mga takdang aralin para bukas at pagkatapos ay natulog nako ulit. =’))

Lunes, Pebrero 25, 2013

Tambak na naman !


Dear Diary ,
                Inulit ko uli ang aking portfolio sa Math dahil sa paningin ko ay kulang pa ito at di maganda pagkatapos ay gumawa naman ako sa blog at pagkatapos ay ngresearc ng takdang aralin sa Chemistry at pagkatapos ay gumawa naman ako ng essay para sa AP !

Linggo, Pebrero 24, 2013

Tamaditis !


Dear Diary ,
                Wala akong masdyadong ginagawa ngayon ewan ko nga rin ba kung bakit ! halos natulog lang ako buong maghapon ay nanuod naman buong gabi lalo na sa Channel 2 ! wala kaming pasok bukas kung kayat puyatn na naman ako ngayon ! =’)

Sabado, Pebrero 23, 2013

Ulit Uli Muli sa Umpisa !


Dear Diary ,
                Maaga akong nagising ngayon dahul pupunta kami sa bahay nila Gallardo ngayon para magrecord ng kanta para sa aming MTV. Halos inabot ng alas-tres kakarecord dahi; paulit-ulit kami sa paggawa upang maayos ito. Bumalik kami sa paaralan dahil napgdesisyunan naming ulitin lahat ng video dahil nga hindi iti maganda ! inabot na ng anung oras ito pagkauwi ko naman ay nagpahinga na ako.

Biyernes, Pebrero 22, 2013

Paulan para sa Wala !


Dear Diary ,
                Ngapaulan talaga an gaming peg ngayong araw para sa MTV pero hindi tala ako satisfy sa aming ginawa para bang nagaksaya lang kami ng oras at baka magkasit ang iba naming kamiyembro dahil sa ulan. Halos 5 na kaming lahat nakauwi at masakit ang ulo ko kaya natulog ako kagad pagkatapos uminom ng gamot.

Huwebes, Pebrero 21, 2013

Rebiew Mode !


Dear Diary ,
                Grabehan na araw ito super antook talaga ako dahil anung oras ko na natapos ang aking portfolio sa Math. Medyo busy ako ngayon dahil ginawa ko ang mga rebiew sa Filipino marami-rami ito dahil apat ang kelangang gawan ng rebyu. Pagkatapos ay natulog na ako.

Miyerkules, Pebrero 20, 2013

Puyatan na naman !


Dear Diary ,
                Tapos na ang exam naming sa English . ! Pagkauwi ay natulog ako agad  at sa paggising ko naman ay ginawa ko ang aking portfolio sa Math. =’)

Martes, Pebrero 19, 2013

Congrats To Me !


Dear Diary ,
                Congrats to mysef ! hahah napili ang aking Abstract painting kaya super saya ako ngayon ! pagkalabas sa eskwelahan ay diretso na kagad kami sa bahay nila ian para magrecord sa MTV para sa Values. Pagkauwi naman ay kumuha ako ng mga dahon dahil meroon kaming activity sa MAPEH tungkol sa Medicinal Plants at pagkatapos nito ay nagreview ako sa English dahil meroon kaming test bukas. =’)

Lunes, Pebrero 18, 2013

Ang Saya !


Dear Diary  ,
                Nakakatuwa itong araw na ito dahil ang Gawain naming ngayon sa TLE ay Abstract painting kung kaya kung anu-ano ang pinaggagawa ko ! Masaya ako habang ginagawa ko ito nakadalawang illustration board nga ako eh ! Medyo nakakapagod lang at masakit sa ilong dahil sa amoy nung pintura ! pagkatapos nito ay nagbasa at gumawa naman ako ng mga takdang-aralin. Maaga ako natulog ngayon dahil medyo napagod ako ! =’))

Linggo, Pebrero 17, 2013

The Continuation !


Dear Diary  ,
                Tinuloy ko ang aking minimalist painting dahil hindi ko ito natapos kahapon. Pagkatapos ay nagpahinga ako saglit at inayos ko na ang aking  mga gamit para bukas. =’)

Sabado, Pebrero 16, 2013

Painting Mode !


Dear Diary ,
                Ngayon ay may bago kming Gawain sa TLE an gaming ipipinta naman ay minimalist kaya ngayon ay sinmulan ko, pumunta na muna kami ni sa Mambugan Paint Center para bumili ng mga pintura. =’)

Biyernes, Pebrero 15, 2013

Sarap ng Buhay !


Dear Diary ,        
                Natulog na naman ako ulit ng mahabang oras ngayon ! sarap ng buhay naming dahil halos apat na oras an gaming baksyon ! paggsing ko naman ay gumawa ako ng mga takdang aralin at pagkatapos nito ay nanuod na ako ng palabas.

Huwebes, Pebrero 14, 2013

Valentines Day !


Dear Diary ,
                Araw ng mga puso ngayon !! <33 pero as usual bawal pa muna ang may kadate kaya tamang istambay sa bahay muna at maya-maya ay biglang nangyaya si mama na punta daw kami sa SM kaya kari-karipas agad akong nag-ayos sabay larga ! kumain muna kami sa Jollibee at pagkatapos ay tamang punta sa National Bookstore at pahinga muna. Pumunta kami sa 3rd floor para tinganan ang mga painting doon puro mangha talaga lahat ang aking reaksyon. Maya maya pa ay umuwi na rin kami dahil anong oras na rin yun. =’)

Miyerkules, Pebrero 13, 2013

Alang Pasok !


Dear Diary ,
                Pagkagaling ko sa eskwelahan ay natulog ako kaagad dahil pakiramdam ko ay pagod ako kahapon. Mahaba ang aking tinulog ngayon dahil wala naman kaming pasok ngayon kaya medyo laylo muna sa mga Gawain. =’)

Martes, Pebrero 12, 2013

TLE time !


Dear Diary ,
                Bukas na kelangang ipasa an gaming Mix MEDIA sa TLE kung kayat wala akong ginawa buong maghapon kundi ang gawin ito. Halos nakain ang kalahating araw ko dahil rito ngunit di ko naman ito pinagsisisihan sapagkat maganda ay maayos naman ang kinalabasan nito. Pagkatapos ko namang magpaint ay nagbasa ako ng libro sa Ap sapagkat meroon kaming mga takdang aralin ditto. =’)

Lunes, Pebrero 11, 2013

Busy Mode !



Dear Diary ,
                Sadyang busy ako ulets ngayong araw panu ba naman nag-record ako ng sangkadamukal na papel sa English dahil nagkaroon kami ng Gawain kanina. Pagkatpos naman nito ay meroon pa akong kelangang itama. Nang matapos naman ako ay ginawa ko naman ang aking mga takdang aralin. =’)

Linggo, Pebrero 10, 2013

Makulits ako !


Dear Diary ,
                Pumunta kami ngayon kay Tita para tumambay saglit at pagkatapos ay dumiretso na kami sa Cherry para mamili. Kung anu-ano pinaglalagay ko sa basket kaya nagulat si mama sa lumabas na presyo kala ko mapapagal;itan ako peri hinayaan lang ako. Pagguwi ko naman ay nagcomputer ako ng ilang oras at nanoon pagkatapos.

Sabado, Pebrero 9, 2013

Pasaway.com !


Dear Diary  ,
                Sabado ngayon kung kayat tamang gala muna ako kela insan ! tamang tawanan at food trip na rin syempre ! halos naka-tatlong tawag na sakin si mama para umuwi pero matigas ulo ko kung kayat di pa talaga ako umuwi kahit ala-siete na ng gabi ! paguwi ko ay napagalitan na naman ako pero expected ko nay un syempre ! Pagkatapos nito ay natulog na ako .

Biyernes, Pebrero 8, 2013

Pahinga Muna !


Dear Diary,
            Pagkauwi ko galling sa eskwelahan ay natulog ako ng halos apat na oras at sa aking paggising ay nagupadate naman ako sa aking Blog ! wala akong masyadong Gawain ngayon dahil bukas talaga ako gagawa. Pahinga muna ako sa araw na ito at textime na rin ! =’)



Huwebes, Pebrero 7, 2013

Bagsak sa Dami ng Gawain !


Dear Diary ,
            Bagsak sa lamesa ang abot ko ngayong araw ! halos ang daming Gawain ngayon ang kanilangang gawin upang maipasa bukas naagsabay-sabay ang kailangang tapusin kung kayat halos din a gumagana ang aking utak lalo na sa paggawa ng Feature Article sa English, wala na ako masyadong naisusulat ngunit nilalakasan ko na lang ang aking loob upang matapos ito dahil alas-dies na ng gabi. Pagkatapos kong gawin ito ay gumawa naman ako ng Mix Media para sa TLE hindi ko na ito tinapos at nilagayan ko na lamang ng background. Sa wakas hating-gabi na ! oras na para matulog !

Miyerkules, Pebrero 6, 2013

Blog Time !


Dear Diary,
            Blog time ngayon ! dahil halos dalawang linggo akong hindi nakapag-update kaya ang resulta buong maghapon ko itong ginawa. Pagkatapos ko rito ay nagpahinga ako saglit at gumawa na rin ng mga takdang-aralin. Wala naman akong masyadong Gawain ngayon kunga kayat pagkatapos kong gumawa ng takdang-aralin ay nanuod ako ng mga palabas lalo na sa Channel 5 dahil puroito movie at magaganda ngayon ang kanilang pinalabas. =’)


Martes, Pebrero 5, 2013

Science Fair !


Dear Diary,
            Ngayon ay hindi kami pumasok sa eskwelahan kundi Ynares dahil meroong magaganap na 1st International Science Fair kung kaya’t nakakasabik talagang Makita ang kanilang mga ekspiremento. Masaya naman ang pagpunta roon dahil meroon kaming bagong natiuklasan pagkagaling sa Ynares ay diretso kami sa paaralan upang magensayo ng sayaw dahil mauulit muli ang Cultural.Pagkauwi ko sa bahay ay pagod na pagod na talaga ako kung kaya natulog ako kagad at pagkagising ko naman ay nanuod na lang ako at pagkatapos nito ay natulog na ako.

Lunes, Pebrero 4, 2013

Natpos na Din !!


Dear Diary,    
            Hayys .... natapos ko na rin sa wakas ang aking painting at pagkatapos kong gawin  ay nagcomputer ako saglit upang magre-search para sa takdang aralin. Pagkatapos ay natulog na ako dahi alas-singko na ng hapon at sa paggising ko ng alas-otso ay kumain akong aming hapunan at pagkatapos ay natulog na ulit ako.

Linggo, Pebrero 3, 2013

Paulit-ulit ?!


Dear Diary,
            Inulit ko ulit ang aking painting dahil hindi ko ito nagustuhan kunga kaya’t balik muli sa dati umpisa muli. Pagkatapos ay natulog ako saglit at sa paggising naman ay nanuod na lang ako habang nakikipagtext at maya-maya ay natulog na ako. =’)

Sabado, Pebrero 2, 2013

OTmoves sa Antipolo !


Dear Diary,
            Ngayon ay maaga akong nagising dahil pupunta kami ng aking grupo sa Antipolo para tapusin na an gaming proyekto sa Filipino. Pagkauwi ko ay tinapos ko ang aking painting para wala na akong gagawin para bukas. =’)

Biyernes, Pebrero 1, 2013

Tulog ng Tulog !


Dear Diary,
            Pagmulat ko ay ala-siete na ng gabi at di ko namalayan ang oras kumain ako kaagad at di na ako nakatulog agad-agad kung kaya’t nakipagtext na lang muna ako sa aking mga kaklase at pagkatapos ng dalawang oras ay natulog na rin ako ulit.

Huwebes, Enero 31, 2013

Tambak na Gawain !


Dear Diary,
            Maraming takdang-aralin ngayong araw lalo na sa English, AP at Filipino pagkatapos kong gawin ito ay nagpahinga ako saglit habang nanunuod pagkatapos ng palabas ay natulog na ako.

Miyerkules, Enero 30, 2013

Si Fely Ako ?!!


Dear Diary,
            Hindi ako kagad umuwi diretso ng bahay dahil ngayong araw ang aming paggawa ng aming proyekto sa Filipino. Pagkauwi ko naman ay ginawa ko kagad ang aking takdang-aralin at nagsimula na ulit akong magpinta. Pagkatapos nito ay nagpahing na ako. =’)

Martes, Enero 29, 2013

Sipag Time !


Dear Diary,
            Naubusan na ako ng pintura kung kaya’t pag-uwi ko ay pumunta ako kagad sa Paint Center upang bumili at pagkauwi ay natulog na ako at pagising naman ay gumawa ako ng mga takdang-aralin at medyo marami ito kung kayat halos ilang oras ang nagugol ko sa paggawa at pagtapos ng lahat ng ito. Nang matapos na akong gumawa ay natulog na ako. =’)

Lunes, Enero 28, 2013

Makulit na S.I.P


Dear Diary,
            Hindi pa rin tinggap ngaming guro an gaming S.I.P kung kaya’t ganuon pa rin kelangan ko pa ring maghanap at mag-isp ng bago medyo nakakapagod na dahil paulit-ulit na lang pero ganun talaga proyekto kasi naming kaya kelangan talagang paghirapan ng husto. =’)

Linggo, Enero 27, 2013

Habait Ha Bata !


Dear Diary,
            Ngayon ay linggo at ito ang araw na pagpunta ni mama sa Cherry kaya ngayon ay sinamahan ko siya sa totoo lang paminsan ko lang itong gawin sa kanya kaya siguro mabait akong bata. Pagkauwi galling Cherry ay nagpahinga ako saglit at gumawa rin ng takdang-aralin. Pagkatapos nito ay natulog na ako nang matapos kong panuorin ang Gandang Gabi Vice. =’)

Sabado, Enero 26, 2013

Galaan Mode !


Dear Diary,       
            Wala naman kaming masyadong Gawain para sa linggong ito kung kaya’t pagkahapon ay pumunta ako sa bahay ng aking pinsan upang magliwaliw doon. Sobrang Masaya naman ako sa pagpunta ko roon dahil puro ako tawa at galak. Pagkasapit ng alasais ay umuwi na ako dahil baka pagalitan na ako ni mama. =’)

Biyernes, Enero 25, 2013

Pahinga Time !


Dear Diary,
            Dahil sa napagod ako kahapon sa paggawa ng clay pottery  ay ayos lang dahil nakakuha naman ako ng 95 na grado Masaya na ako doon dahil talgang pinaghirapan ko ito. Ang pasya ko lamang sa araw na ito ay magpahinga lamang buong araw upang makabawi. =’)

Huwebes, Enero 24, 2013

Paggawa ng Clay Pottery !


Dear Diary,
            Pagkauwi ko galling sa eskwelahan ay buong maghapon kong ginawa an gaming activity sa MAPEH yun ang paggawa ng clay pottery at teacup sadyang nakakapagod talaga ito dahil kelangang mahinahon ang iyyong kamay sa paghulma nito, kailangan rin ng konting tyaga para perpekto ngunit natuwa naman ako sa resulta ng aking ginawa. =’)


Miyerkules, Enero 23, 2013

Pagudan !


Dear Diary,
            Yehey ! natapos na rin ang aming painting sa TLE pagkauwi ko ay natulog na muna ako saglit at paggising ko ay gumawa ako n gaming script para sa makabuluhang presentasyon naming sa English bukas at dahil meroon dito na parteng magtatapos siya ng koleheyo ay kailangan ko ring gumawa ng speech at pagkatapos ay ginawa ko naman ang aking mga takdang-aralin. Nang malapit ng ipalabas ang Ina Kapatid Anak ay huminto na ako sa paggawa para manuod at magpihanga na. =’)

Martes, Enero 22, 2013

Nakakapagod na Araw !


Dear Diary,
            Sadyang nagugol ang buong mag-hapon sa paghahanap ng aming S.I.P sa Chemistry ayaw kasing tanggapin n gaming guro dahil napatunayan na daw itong eksperemento kaya maghanap na lamang daw kami ng bago. Pagkatapos kong maghanap ay nagpaint naman ako sa TLE at pagkatapos nito ay ginawa ko naman ang aking mga takdang-aralin. Nang natapos ko na ang lahat nang ito ay natulog ako dahil malapit ng maghating-gabi. =’)

Lunes, Enero 21, 2013

Petiks Muna !


Dear Diary,
            Ngayong araw pagkagaling sa eskwelahan ay wala ako masyadong ginawa. Natulog lamang ako pagkatapos kumain, at nung pagkagising ay sumaglit sa pagawa ng takdang-aralin at pagkatapos ay nagbasa sa A.P. matapos kong magbasa at kumain ay pinatulog na ako ni mama. =’)

Linggo, Enero 20, 2013

Linggo

 
Dear Diary,
            Araw ng Linggo ngayon at ginawa ko ang utos ni Maam Mixto tungkol sa sulat na kelangan may kuha ng litrato na hawak at binabasa ng magulang ang sulat. Pagkagising ko ay nagulat na lang ako bigla na may 100 pesos sa aking unan iyon pala ay bigay ni papa dahil sa mataas na marka na nakuha ko ngayon. Pagsapit naman ng hapon ay kinuhaan ko na ng litrato si mama dahil umalis na si papa at umuwi na ng Caloocan. Masaya naman si mama dahil sa aking sulat at sinabi rin niya na mahal na mahal din niya ako. Pagkagabi ay nanunod na kami ng palabas ni ate at pagkatapos ay natulog na ako dahil sa pasukan na naman ulit bukas. =’) 

Sabado, Enero 19, 2013

Sabado


Dear Diary,
            Ngayon ay kuhaan n gaming Kard ang pinaka-nakakabang parte lagi ng aking buhay dahil ito na ang resulta ng aking pinaghirapan at SOBRANG MASAYA ako sa resulta dahil halos lahat ay tumaas ako bumaba man ako sa AP pero isang puntos lang. Masaya rin ako dahil nakabalik na ulit ako sa Top at ako ay Top 4 medyo nakakaiyak dahil Masaya talaga sa akin si mama lalo na si papa kahit na medyo hindi kami magkasundo ni papa pero naiintindihan ko naman yun Masaya pa rin ako dahil paminsan nagiging suportado naman sakin siya. Pagkahapon ay umalis kami ni mama at tumungo Kami sa Masinag dahil bibili sana ako ng Cd na Shindler’s List para sa AP pero wala ng kopyang mga ganun kaya pumunta na lang kami ni mama sa Jollibee at kumain parte na rin ito n gaming selebrasyon dahil sa nakabalik na ako sa top. Pagkauwi ay ginawa ko na ulit ang aking paint sa TLE at nanuod ng palabas at pagkatapos ay natulog na ako. =’)  


Biyernes, Enero 18, 2013

Biyernes

Dear Diary,
            Ngayon ang araw na lilipat ng bahay sila tita kaya alas-tres pa lang ng umaga ay nagising na ako dahil sa naghahakot na sila ng kanilang gamit para lumipat nakakalungkot mang isipin pero ganyan talaga ang buhay kelengan magkahiwa-hiwalay kung minsan. Pero ang maganda naman sa kanilang lilipatan ay dito parin sa Agnes ibig sabihin ay pwede ko silang mapuntahan paminsan. Pagkauwi ko galling sa eskwelahan ay natulog na ulit ako. Ginising naman ako kagad ni ate dahil maaga siyang umuwi kasama ang kaniyang nobyo dahil nakalimutan ko na ngayon pala ang kaarawan ni Kuya J pero di ko padin napigilan ang matulog kaya di ko pinansin si ate at nagpatuloy ako sa pagtulog at hinayaan naman niya ako. Maya-maya pa ay ginising na naman niya ako ulit dahil kakain na ng hapunan pagkatapos ay nanuod na kami ng palabas At pansamantala ako;y nakipagtext sa aking mga kaklase. =’)


Huwebes, Enero 17, 2013

Huwebes



 
Dear Diary,
            Ngayon ay Huwebes ! at natapos na ang aming graded recitation sa MAPEH Masaya naman ako sa resulta dahil naka-90 pa ako J pagkauwi ko ay natulog na ako pagkatapos kumain. Pagkagising naman ay pansamantalang nakipagkulitan ako sa aming kapit-bahay na baby ! ang saya kasing makipaglaro s mga bata parang gugustuhin mo na lang maging bata palagi dahil sa walang inaalalang problema sa buhay puro lang sila laro. Pagkatapos ay nag-aral na ako dahil nagsimula ng magalit sakin si mama dahil di pa daw ako nag-aaral. Hayyss -_- sinusunod ko na lamang siya dahil alama ko para sakin din naman ang ginagawa niya tsaka naisip ko rin na di ko na maibabalik yun mga oras na nasayang ko sa paggugol ng mga walang kwentang bagay. Pagkatapos kong magbasa ay natulog na ako. =’)

Miyerkules, Enero 16, 2013

Miyerkules

 Dear Diary,
            Masaya ako sa araw na ito ! at sa resulta ng ginawa kong paint kagabi dahil kinuha ito ni Sr. Espina para gawing halimbawa sa ibang seksyon J nagbunga lahat ng aking pagod kagabi kaya paguwi ko ay agad-agad ko itong binalita sa aking mama at Masaya siya para sa akin. Pagkatapos ay natulog na ako ng apat na oras at paggising ko ay sinimulan ko nang mag-aral sa MAPEH dahil sa meroon kaming graded recitation bukas isa-isa kaming tatawagin ni Maam Nacolanga para sagutin ang kanyang mga kasagutan kasama na rin ito sa pagrereview naming mula nung unang markahan dahil halos tapos na naming ang lessons sa libro. Pagkatapos kong magkabisado ay natulog na ako para hindi ako antukin bukas sa klase. =’)

Martes, Enero 15, 2013

Martes

 
Dear Diary,
            Pagkagaling sa skwelahan ay nagpahinga ako saglit tapos ay sinimulan ko na ang magrecord at mag-tama ng Gawain naming sa English nang ako ay mapagod ay umalis na ako sa bahay para pumunta ng SM bibili kasi ako ngayon ng paintbrush para sa TLE. Pagkagaling sa SM ay diretso naman ako sa Mambugan Paint Center para naman pintura ang bibilhin ko tapos ay naglakad na ako pauwi. Pagkauwi ay ginawa ko kagad ang aking paint para tapos ko na ngayong araw.  Nang matapos ko ang lahat ay nakaramdam na ako ng pagod kung kaya’t pinagpasyahan ko ng matulog na at ipahinga ang aking katawan. =’)

Lunes, Enero 14, 2013

Lunes

Dear Diary,
            Pagkauwi ko galling skwelahan ay pansamantala akong nagpahinga pagkatapos kong kumain dahil gumawa ako ng takdang aralin sa English. Pagkatapos ay natulog na ako dahil nakaramdam na ako ng antok.  Pagkatapos ng apat na oras ay ako ay nagising na agad akong nag-aral dahil paniguradong papagalitan na naman ako ni mama pag di pa ako nag-aral. Matapos kong mag-aral ay kumain na ako ng aming hapunan tapos ay nanunod ng Ina,Anak,Kapatid lagi kasi naming itong sinusuybaybay gabi-gabi dahil sa maganda ang kwento nito. Pagkatapos ay piñatay na ni mama ang telebisyon, hindi muna niya ako pinatulog dahil sabi niya magbasa muna ako. Paminsan tinatawanan ko na lang ang aking mama dahil strikto talaga siya sa akin pagdating pag-aaral dahil gusto niya may marating ako sa buhay at mapawi ang lahat ng kanyang pagod at sakripisyo sa aming magkapatid. Nang matapos na akong magbasa ay sa wakas natulog na ako. =’)

Linggo, Enero 13, 2013

Linggo

Dear Diary,            
            Ngayong ay Linggo ! J ngayong araw ay wala akong masyadong ginawa dahil sa tapos na ang exam kaya panigurado ay kinabukasan magtatama lang kami n gaming mga pagsusulit. Nagpahinga rin ako ngayon paara makabawi sa ilang araw na puyat ! nakakapanabik kasing matulog ulit ng matagal tuwing sabado at linggo ko lang kasi nagagawa iyon. Pagkagising ko ay hapunan na pala kaya dali-dali akong kumaen at pagkatapos ay nanuod na kami n gaming paboritong panuorin tuwing gabi nang linggo ang Gandang Gabi Vice Ganda. Sobrang nakakatuwa kasi itong panuorin at puro kami tawa kaya nakakagaan ng loob pansamantala naming nakakalimutan lahat ng aming problema. Pagkatapos naming manuod ay sinimulan ko ng matulog kasi balik-eskwela na naman kami ulit bukas. =’)

Sabado, Enero 12, 2013

Sabado

                                                   
        

Dear Diary,                                                       
          Sabado ngayon ! ;) tanghali na ako bumangon sa aking kama dahil masarap pang humiga dahil malamig. Gumawa ako ngayon ng aking Blog dahil di ako nakapagupdate ng ilang araw kaya medyo marami-rami ang aking gagawin ngayon.        Pagkatapos kong gumawa ay nagpicture picture ako kasama ang aking paboritong si Domo ! kaya puro upload ang aking ginawa. Nang matapos ko na gawin ang aking blog ay wala na akong masyadon inalala. Kaya Masaya ako na natapos ko na lahat ang aking mga Gawain sa lalaong medaling panahon. Pagkatapos ay kumain ako ng tsokolate na bigay ni mama sakin tapos ay natulog na ko at manunuod na naman pagkagising ko. =’)

Biyernes

Dear Diary,                                                       
          Tapos na ang unang araw ng pagsusulit ! Masaya naman ako dahil sa tingin ko ay di nasayang ang pagugugol ko ng oras para sa pagkakabisa lalong-lalo na sa MAPEH . Sana ay magbunga ng maganda ang pagpupuyat ko. Para bukas naman ay aming itetest ay Math, AP, English at TLE . Kaya review ulit ang aking ginawa para sa mga asignatura na ito. Di ako masyadong nagpuyat ngayong araw dahil binigyan ko ng oras ang aking sarili na makatulog uli ng maaga at makapagpahinga para bukas . =’)

Huwebes, Enero 10, 2013

Huwebes

Dear Diary,                                                       
          Tapos na ang unang araw ng pagsusulit ! Masaya naman ako dahil sa tingin ko ay di nasayang ang pagugugol ko ng oras para sa pagkakabisa lalong-lalo na sa MAPEH . Sana ay magbunga ng maganda ang pagpupuyat ko. Para bukas naman ay aming itetest ay Math, AP, English at TLE . Kaya review ulit ang aking ginawa para sa mga asignatura na ito. Di ako masyadong nagpuyat ngayong araw dahil binigyan ko ng oras ang aking sarili na makatulog uli ng maaga at makapagpahinga para bukas . =’)

Miyerkules, Enero 9, 2013

Miyerkules

Dear Diary,                                                       
          Malapit na naman ang aming ikatlong pagsusulit ! kaya eto busy busy ang PEG . Nilaaan ko ang araw na ito para gawin ang aking mga Porfolio na kailangang ipasa sa huwebes. Maraming Porfolio ang kelangan matapos sa araw na ito para bukas ay puro aral at pagbabasa na lang ang iintindihin ko. Pagkatapos kong tapusin ang lahat ay niligpit ko muna ang aking mga akalat para di mapagalitan ni mama. Pagkatapos ay nagbasa ako saglit pero di ko na kinaya dahil anung oras na ako natapos sa paggawa ng portfolio kaya natulog na lang ako.

Martes, Enero 8, 2013

Martes


Dear Diary,                                                       
          Malapit na naman ang aming ikatlong pagsusulit ! kaya eto busy busy ang PEG . Nilaaan ko ang araw na ito para gawin ang aking mga Porfolio na kailangang ipasa sa huwebes. Maraming Porfolio ang kelangan matapos sa araw na ito para bukas ay puro aral at pagbabasa na lang ang iintindihin ko. Pagkatapos kong tapusin ang lahat ay niligpit ko muna ang aking mga akalat para di mapagalitan ni mama. Pagkatapos ay nagbasa ako saglit pero di ko na kinaya dahil anung oras na ako natapos sa paggawa ng portfolio kaya natulog na lang ako.

Lunes, Enero 7, 2013

Lunes


Dear Diary,                                                       
          Malapit na naman ang aming ikatlong pagsusulit ! kaya eto busy busy ang PEG . Nilaaan ko ang araw na ito para gawin ang aking mga Porfolio na kailangang ipasa sa huwebes. Maraming Porfolio ang kelangan matapos sa araw na ito para bukas ay puro aral at pagbabasa na lang ang iintindihin ko. Pagkatapos kong tapusin ang lahat ay niligpit ko muna ang aking mga akalat para di mapagalitan ni mama. Pagkatapos ay nagbasa ako saglit pero di ko na kinaya dahil anung oras na ako natapos sa paggawa ng portfolio kaya natulog na lang ako.

Linggo, Enero 6, 2013

Linggo

Dear Diary,                                                       
          Ngayon ay sabado ! kaya wala akong masyadong ginawa ngayon kundi ang magbabad sa aming computer. Medyo naboboring kasi ako ngayon sa aming bahay kasi gusto kong gumala pero bawal naman. Kaya ito puro computer na lang. Puro Fb, Youtube, gawa sa Blog, edit ng picture at kung anu-anu pa. Pagkatapos ay natulog naman ako ng ilang saglit at pagkagising ay ginawa ko ang mga takdang aralin. =’)

Sabado, Enero 5, 2013

Sabado


Dear Diary,                                                       
          Ngayon ay sabado ! kaya wala akong masyadong ginawa ngayon kundi ang magbabad sa aming computer. Medyo naboboring kasi ako ngayon sa aming bahay kasi gusto kong gumala pero bawal naman. Kaya ito puro computer na lang. Puro Fb, Youtube, gawa sa Blog, edit ng picture at kung anu-anu pa. Pagkatapos ay natulog naman ako ng ilang saglit at pagkagising ay ginawa ko ang mga takdang aralin. =’)

Biyernes, Enero 4, 2013

Biyernes

Dear Diary,
          Pasukan ulit ngayon at batay sa king inaasahan marami ang absent ngayon pero kailangan ko pa ring pumasok dahil ngayon ang paasahan n gaming proyekto sa English. Masaya naman ako sa aking ginawa dahil nagandahan naman ang aking mga kakalase noong ito;y aking ipresenta sa harapan. Pag-uwi ko naman ay sadyang nakakatuwa dahil di ko alam bakit kami nagpicture ng aking mama. Maraming larawan kasama ng aking mama at parang ito ang unanag pagkakataon na magpicture kami ni mama ng marami sadyang nakakatuwa talaga ngayong araw. Pagkatapos ay natulog na ako at nagpahinga , Pagkagising ko naman ay nag-computer ako at pagkatapos ay nanuod ng mga palabas. Halos inumaga na kaming nanuod kaya puyat ako talaga. Pero masayang araw naman ito para sa akin. =’)

Huwebes, Enero 3, 2013

Huwebes

Dear Diary,
          Hayyss .. pasukan na naman ngayon ! siguradong maraming di balik eskwela ngayon dahil yung iba asa bakasyon pa. Pero ako go lang ng go pumasok ako talaga. Nakakapanabik itong araw na ito dahil dalawng lingo kaming nagbakasyon at puno ng kwentuhan ang una naming pagkikita sa klasrum. Nakasama ko agad ang aking mga kaibigan at namiss ko lahat sila. Medyo nakakaantok nga lang ang unanag pagpasok ko nasanay na kasi akong tanghali nagigising pero ok lan naman. Ang ibang guro ay nagpasyang hindi na muna magturo dahil sa hindi naman kumpleto ang estudyante kaya nagpapagawa na lang sila ng kung anu-anu. Sng iba naman ay nagturo sa amin ng lesso dahil sa malapit na ang exam ! .  Medyo bc ako nung pag-uwi ko dahil ginawa ko kagad an gaming takdang aralin sa English ang Faith Goals kaya anung oras na naman ako natulog dahil sadyang pinaganda ko ito. =’)

Miyerkules, Enero 2, 2013

Miyerkules

Dear Diary,
          Ngayong araw ay kaarawan ng aking ate ! kaya nagkaroon kami ng unting paghahanda. Simple ngunit makahulugan dahil nagdagdagan na naman si ate ng isa pang taon. Kasama sa selebrasyon ang mga kaklase ni ate at kami ay kumain nalang sa labas dahil kulang na aming inihanda.Pagkatapos nito ay umuwi na ako para tulungan si mama sa paglilinis at sa paghuhugas ng pinggan. At sa wakas ay nakapahinga na rin ako matatapos na rin ang masayang araw na ito. Pagdating naman ni ate ay inaasar ko siya dahil siya ay 20 na kaya medyo naasar din siya sa kin. Maaga ako natulog ngayon dahil PASUKAN NA BUKAS ! at nakakasabik na ulit Makita ang aking mga kaibigan,. =’)

Martes, Enero 1, 2013

Martes

Dear Diary,
          Hayyyss ! halos alas-tres na ako nagising at nilaan ko ang araw na ito para gumawa ng aking blog dahil din ako nakakapag-update nito. Medyo marami akong nagawa ngayon dahil anim na araw akong hindi gumawa. Habang ako ay gumagawa ay busy rin akong kumain ng Nova at Ice Cream. Kaya sulit naman ang aking paggawa dahil habang ako ay gumagawa ay nabubuso ako. Yan siguro dahil sa kaen ako ng kaen siguro naman ay tumaba na ako J at dahil na rin sa tumalon ako ay siguro naman ay tumangkad ako kahit konti . Ngayon ay ang unang araw ng 2013 kaya masay akong iselebrason ito. Sana sa taong ito ay walang humpay na grasya ang dumating sa aming pamilya at sana lahat kami ay malusog. HAPPY NEW YEAR ! =’))